Kabanata 18

205K 9.2K 12.3K
                                    

Kabanata 18

Mula sa paghalik n'ya sa aking leeg, naramdaman ko ang marahan n'yang paglingon sa pinanggalingan ng boses ng mga bata.

It's dim and the kids wouldn't see me because Drugo's large body was covering my small figure from the sight of the twins.

Umatake ang kaba sa aking puso at naramdaman ko ang pagwawala nito sa aking dibdib nang bahagyang lumayo sa akin si Drugo.

Tumingin ako sa direksiyon kung saan nakita ko ang paggapang ni Deiondre at nakalabas na ng silid. Si Diedrich naman ay nakatayo at nakahawak sa may hamba ng pinto. Their heads tilted sideward as if they were trying to figure out what we were doing.

"Mamma," inosenteng tawag ni Diedrich.

Hindi ko napigilan ang paghakbang ni Drugo palapit sa kanila. Inaayos ko pa kasi ang sarili ko dahil sa gutay-gutay at punit na shorts ko. Mabuti na lang at may nakasampay na tuwalya sa may sofa kaya kinuha ko iyon at itinapis sa buong katawan ko.

Natigilan ako sa kinatatayuan ko nang bumaling ako sa gawi ng mga anak ko.

Walang kahirap-hirap na binuhat ni Drugo si Deiondre na gumagapang sa sahig at sunod n'yang kinarga si Diedrich sa kabilang braso. Mariin s'yang tinitigan ng mga bata at hindi naman sila nagpumiglas sa kaniya.

Nagkatitigan silang tatlo. Ginaya ng kambal ang madilim at marahas na tingin ni Drugo.

"D-Drugo. . . Drugo! Let go of them! They're my babies!" natataranta akong lumapit sa kaniya.

"Dad-dy. . ." sambit ni Deiondre na dinugtungan ni Diedrich. "Duwo. . . go."

Titig na titig sila sa mukha ni Drugo. The amazement glinted in their hazel-green eyes. Marahan pa nilang dinadampi ang maliit na kamay sa panga at pisngi ng kanilang ama.

Pumungay ang mga mata ni Drugo na kanina lang ay matigas ang titig sa kanila. Hindi n'ya maalis ang tingin sa kambal. Tila pinag-aaralan n'ya ang bawat sulok ng mukha ng mga bata.

"They looked like. . . me," he said in a calm voice as he stared intensely at the twins.

Hindi man lang nakaramdam ng takot ang mga anak ko. Bahagya pang umawang ang kanilang mga labi at namamanghang tumitig kay Drugo.

"They're the kids at the gala dinner," his forehead creased as his brows lowered with intensity.

Nang tumingin s'ya sa akin ay madilim ang pinupukol nitong tingin sa akin. Malayo sa lambot na paraan na pagtitig n'ya sa mga bata.

"Was it you? The woman carrying them at the gala dinner."

Umaatras ang dila ko. Hindi ako nakasagot. Inaalala ko ang mga anak ko. Gusto ko silang agawin mula sa kaniyang mga braso.

Natatakot akong umaksiyon. The twins looked really comfortable in his strong arms. I know they would cry if I take them away from him.

"Dad-dy," Deiondre flashed a cute baby smile.

Hindi na talaga maalis ang tingin ng kambal sa kaniya. Para bang nakalimutan na nilang may nanay pa sila rito.

"Anastasia," may pagtitimpi sa kaniyang baritonong boses.

"T-They're my babies, Drugo. Please, give them back to me," nauutal kong pakiusap.

"You hid them from me," his jaw hardened.

"I don't want to be with you." I cast my gaze elsewhere and avoided eye contact.

"You can't be with them if you don't want to be with me."

My lips parted, and my heart thudded with unease. I returned my gaze at him.

"D-Drugo, please. You don't understand. Don't do this to me—"

Abandoned Drugo (Sartori #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang