Kabanata 26
Dinala kami ni Hiroshi at Triskelion sa isang simpleng bahay dito sa Rome. Drugo's mother owned the house, it was a gift from Bloodemir.
"I called Drugo and he gave this location. He wants to meet us here. You still need to continue your mission even if you already found my sister," sabi ni Triskelion.
Lumabas kami sa isang silid kung saan ko iniwan ang aking mga anak. Nakapagbihis na sila at natutulog. Hiroshi was sleeping beside the boys too. Kami na lang dalawa ni Triskelion ang gising pa.
Hindi ko pa rin nasabi sa kaniya dahil mas pinili namin ang umalis muna sa Black Site. Nilalamig na kami at kailangan naa maipuwesto ang mga bata sa komportableng higaan. Napagpasyahan naming pumunta rito, at dito na rin mag-usap.
The two-storey house was huge and simple. The walls were painted cream, and there are intricate carvings of roses in the ceiling. It's screaming class and elegance.
"Where is she? When did you meet her? Is she okay? What does she look like? I think she grew up beautiful," halata ang pagkasabik sa sunod-sunod na tanong ni Triskelion habang binubuksan ang isang pinto.
"Yes. . . she's the most beautiful," wala sa sariling tugon ko nang iginiya n'ya ako papasok sa loob.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Kailan kayo nagkita? Paano mo s'ya nakilala?" he asked after closing the door of the room.
"M-Matagal ko na s'yang nahanap," sagot ko habang nakatalikod sa kaniya at naglakad patungo sa malapit na sofa.
Kung hindi ako nagkakamali ay isang Parlour Room ang silid na 'to.
"Tang ina. Kailan? Wala kang nabanggit sa akin, pota."
He grabbed my arm, and forced me to face him. Sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin bago ako binitiwan. Humakbang s'ya paatras at binigyang espasyo ang pagitan namin.
"Anais, alam mo naman kung gaano ako kasabik makita ang kapatid ko. Tinanggap ko na lang na wala na s'ya dahil hindi talaga namin s'ya nahanap. Wala ring natagpuan na bangkay. Araw-araw kong sinisisi ang sarili ko na naging pabayang kapatid ako! Tapos hindi mo man lang sinabi sa akin na nahanap mo na pala s'ya? Matagal na? I paid you for your loyalty and honesty!" he exclaimed in frustration.
Nanuyo ang lalamunan ko. Nangatog ang mga binti ko sa takot, kaba, pagod, at matinding emosyon.
"Kung hindi ko ba narinig kanina ang pinag-uusapan n'yo ni Hiroshi ay hindi mo sasabihin sa'kin?" Humupa ang kaniyang galit nang napansin ang aking pagkailang.
Umaatras ang dila ko. Hindi ako makapagsalita. Sa pagkainip ay nagalit ito pagkatapos naghintay sa sagot na hindi n'ya natanggap.
"Nasa'n s'ya? Nasa'n ang kapatid ko? Anais!"
"S-She's in Galicia." Nangangatal ang mga labi ko.
"Tell me her location."
"P-Pinapasabi n'ya na miss na miss ka na raw n'ya at mahal na mahal ka n'ya."
Nanumbalik ang kaniyang pagiging mahinahon nang dahil sa sinabi ko.
"I missed her so much too. Where is she? I need to go where she is. Is she safe?" Malambot n'yang sabi sa malalim na boses.
"She's in the Cementerio Viejo De Mondonedo." Mariin ko itong tinitigan.
"Why the fuck is she in a cemetery? Is she hiding? I need to go back to Galicia. I need to get her," kunot noo n'yang saad.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi, at naramdaman ko ang pagnginig ng aking kalamnan.
"S-She. . ." Umiwas ako ng tingin. "D-Died."

KAMU SEDANG MEMBACA
Abandoned Drugo (Sartori #3)
RomansaYou cannot read this as a standalone story! Read "Addicted Damien" and "Abused Diablos" first! Sartori #3 "I abandoned Drugo. . ."