Chapter 17 - Weird feeling

9.3K 87 1
                                    

Now a published book under LIB. Php 129.75. Available in all Precious Pages stores nationwide and soon on other bookstores. 

For more updates, visit LIBOfficial in Facebook.  



Cassie's POV

This sucks.

"Mama, papasok na ako bukas, ha? Nakakatamad kasi dito sa bahay."

Andito kami ngayon sa sala, nanunuod ng TV. Ang boring talaga. Gusto ko nang pumasok.

"Sure ka bang ok ka lang?"

"Wala na pong masakit."

Tunay naman. Kaya lang kapag hinawakan yung mga pasa, syempre masakit.

Itext ko na nga lang si Audrey. Lunch break na nila ngayon.


To: Auds

AUDS! Imishoo! Punta kayo dito mamaya. So boring.


Sana magpunta sila. Gusto kong malaman kung anong mga nangyari nung nasa clinic ako kahapon tsaka kung anong nangyari ngayon.

After 42960234256034 years...nagreply din sya.

Lol joke, ang bilis nya ngang nagreply.


From: Auds

Imishoo 2! Sige punta kami ni Phei dyan after class. Iwan na tong si Brett, ha?


Luka talaga tong si Auds. Di nya daw kasi gusto si Brett para sa akin.

Mas boto daw sya kay Renzo.

Tsk. Tsk. Tsk.


To: Auds

Geh. Iwan na yan. Ayaw kong makita ang pangit na yan.


Alam kong ipapabasa nya tong text kay Brett. Aasarin pa.

Ganyan talaga pag bored, kung ano-anong trip.

*bzzzz* *bzzzzz*


From: Auds

Mah fwiend, isdatchu? Hahahaha Paiyak na si pangit dito. Intayin mo na lang kami mamaya. May klase na uli kasi.

Haist. Bilisan nyo.


------------FAST FORWARD----------

*DING* *DONG*

Doorbell namin yun.

Halata naman di ba?

"CASSIE! MAY BWISITA TAYO! Ikaw na lang ang magbukas ng gate."

Adik si Mama. Bwisita raw?

Binuksan ko na ang gate. At syempre, si Phei at Auds ang dumating.

Pinapasok ko na sila. Si Mama, eepal na naman kaya dun ko na sila pinapunta sa kwarto ko.

Umupo na ako sa kama ko. Si Auds nakadapa sa kama, si Phei naman ay nakahiga.

"Ano nang balita?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Hayun, may nasuspend." sabi ni Auds habang may katext sa cellphone.

O_____________________O

"Si Ivy ba?"

"Actually, apat sila. Hindi lang si Ivy." sabi ni Phei.

Sorry, I've Fallen For You (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon