Chapter 48 - Kinakabahan

7.6K 66 7
                                    

Now a published book under LIB. Php 129.75. Available in all Precious Pages stores nationwide and soon on other bookstores. 

For more updates, visit LIBOfficial in Facebook.  




Ang bilis-bilis ng oras.

Di ko namalayan, January na ulit.

Another year. Another experiences.

Panibagong simula na naman.

Panibagong love?

DI NO! Si Renzo pa rin ang love ko.

Papasok na ako sa school. Etong si Renzo, di pa rin kumakatok o kaya ay pumapasok sa unit ko. Weird.

Maitext nga. Tinatamad ako pumunta dun sa unit nya. Kahit magkatabi lang. XD


To: Renzo Ko <3

Oi! Morning. Gising na!


Medyo matagal rin bago sya nagreply.


From: Renzo Ko <3

Morning din! :) Pasok ka na school. Aabsent ako.


O______________O

Bakit kaya?

Siguro may hangover sya. Tsss. Nag-inom kasi kahapon kasama si Felix at Xavier.


To: Renzo Ko <3

Sige. Hangover no? Babye na. Papasok na ako. Love You. :)


Sumakay na lang ako ng tricycle. Di pa kasi ako pwede magdrive. Wala pa akong license.

Tik.Tok.Tik.Tok.

Tunog ng orasan namin sa classroom.

AISH! Bakit ako kinakabahan?

Di ako mapakali. Ano bang nangyayari sa akin?



Renzo's POV

*bzzzzz* *bzzzzz*

UGGGHHH!

"F*CKSH*T!"

Ang sakit ng ulo ko.

*bzzzzz* *bzzzzz*

May nagtext.


From: Leighpots Ko

Oi! Morning. Gising na!


MAY PASOK NGA PALA!

Pero di ko talaga kayang pumasok ngayon. Ni hindi ko nga alam kung kaya kong tumayo.


To: Leighpots Ko

Morning din! :) Pasok ka na school. Aabsent ako.


Di ko tuloy sya mahahatid.

Ang lamig.

Pinatay ko na yung aircon dito sa kwarto ko. Pagewang-gewang akong naglakad papunta dun.

Di naman ako lasing ah. Hangover lang. Bakit ganito ako?

Naliliyo ako.

*bzzzzz* *bzzzzz*

Nagtext na uli sya. Kaso umiikot ang paningin ko.

SH*T! Ang sakit talaga ng ulo ko.

Nasobrahan ata ako ng inom kahapon. Si Xavier at Felix kasi.

AAAAAHHHH! Umiikot talaga.

Pero...di naman ako ganito pag may hangover...

Iba to...

*BOOOOGG*



Cassie's POV

~Recess~

"Cassie. Cassie. Teka. HUY!"

"HA?!" tanong ko.

"Dahan-dahan ka sa pagkain. Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Phei.

Ano nga bang nangyayari sa akin?

"D-di ko alam."

"Kanina ka pang tulala habang kain ng kain. Nawala lang si Renzo, ganyan ka na." sabi ni Auds.

"Miss ko na kasi! Hahahaha." sabi ko.

Pero that was a fake laugh.

Ewan ko ba.


~FAST FORWARD~

*RRRRRRRIIIIIIIIINNNNNGGGGG*

Ng marinig ko ang bell, dali-dali agad akong lumabas ng room. Di na ako nakapagpaalam kay Phei at Brett.

May masamang kutob kasi ako.

Si Renzo kasi...

Kanina ko pang tinetext at tinatawagan, di naman sumasagot.

Pinapakaba nya naman ako. TT____TT

Sumakay na ako sa tricycle.

Ba't parang ang bagal?

O baka masyado lang akong atat na makita ang Renzo ko?

Nung makarating na ako sa tapat ng building, dali-dali na rin akong pumunta sa elevator.

Nakalock ang pinto nya.

"Renzo?" tawag ko habang kumakatok.

"Renzo?!"

Wala pa rin talaga.

Impossible namang wala sya dito.

Buti na lang may spare key ako na bigay nya.

Nabuksan ko ang pinto.

Nasan na kaya sya?

Wala sa sala.

Wala sa kusina.

Siguro nandun sa kwarto nya.

Di nakalock ang pinto ng kwarto nya kaya puma---

O______________________________O

Nakahiga sya sa sahig.

OH MY GHAD!

Ang putla nya!

Nilapitan ko na sya.

O____________________O

"RENZO!" 

Sorry, I've Fallen For You (Published by LIB)Where stories live. Discover now