Chapter 19 - Screaming in the rain

9.4K 94 5
                                    

Now a published book under LIB. Php 129.75. Available in all Precious Pages stores nationwide and soon on other bookstores. 

For more updates, visit LIBOfficial in Facebook.  



Renzo's POV

Haist. Wala na sigurong tao sa room. Kukuhanin ko na ang bag ko para maka-uwi.

Pagpasok ko sa room, may tao pala.

O_______________________O

Si Leigh at si Brett. Magkayakap.

"Wag mo akong iiwan, Brett."

Bakit sya umiiyak?

"Hindi kita iiwan."

Sige na. Kayo na ang bagay. Wala na naman ako magagawa, eh.

Sya ang mahal mo.

Pasimple ko na sanang kukuhanin yung bag ko, kaya lang nakita nila ako.

"Sorry sa abala. Kinuha ko lang ang bag ko."

Dali-dali akong lumabas ng room.

Papunta na ako sa parking lot. Medyo kakaunti ang tao ngayon. Ewan ko. Ano namang paki ko?

Hinanap ko na yung kotse namin. Nasan na ba yun?

AIIIISSSSHHH! Umulan pa.

BULLSH*T NAMAN, OH!

HANEP NA BUHAY TO!

Basang-basa na ako.

"RENZO!"

Bakit parang ang sakit?

Ang sakit na makita na ang taong mahal mo, masaya sa iba.

Mahal? Mahal ko na ba sya?

"RENZO!"

Sigaw sya ng sigaw. Di ko sya pinansin. Diretso lang ako sa paglalakad.

"RENZO! PAKINGGAN MO NAMAN AKO!"

Tumigil ako sa paglalakad. Humarap na ako sa kanya. Medyo malapit na sya sa kinatatayuan ko.

"DALIAN MO! KAI-" Napatigil ako sa sinabi ko. Ngayon ko lang narealize na basang-basa rin sya sa ulan.

"TANGA KA BA?! BA'T KA NALILIGO SA ULAN?"

"Eh wala akong payong. Tsaka, nagpahabol ka pa."

"BAKIT MO BA AKO HINABOL? BAKIT DI KA NAGPAHATID SA KANYA?"

"EH IKAW ANG GUSTO KONG MAGHATID SA AKIN!"

"BAKIT AKO? Ano ako? SUNDO MO?"

"...''

"Bakit ang dali mong sumuko, Renzo? You said you like me. Sabi mo dati na di ka papayag na makuha ako ni Brett sayo. Isang hug lang, wala na."

Madali ba akong sumuko?

Hindi naman kasi ako sanay maghintay para sa isang babae.

Kasi kahit sino, kaya kong gawing akin.

Sya lang ang hindi.

"Hindi ako madaling sumuko, Leigh."

"EH ANO TONG GINAGAWA MO? ANG WEAK MO NAMAN!"

Sinabihan nya ako ng weak.

"AH F*CK! ANO BANG GUSTO MONG IPARATING? HA? DALI-DALIAN MO. BAKA MAGALIT SA AKIN ANG MAHAL MO KAPAG NAGKASAKIT KA DAHIL SA AKIN."

"TANGA KA BA? KUNG SYA ANG MAHAL KO, EH DI SANA HINDI AKO BASANG-BASA DITO AT KINAKAUSAP KA!"

Sorry, I've Fallen For You (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon