Chapter 21- Mr. Dream Boy

675 49 6
                                    

A/N

Sorry commercial break po muna guys yeah finally we're on the half of the story. Makikilala na ni Yen si Gab bakit kaya sya na tatakot? May nakaraan ba sila? Eh bakit parang di naman sya matandaan ni Yen? Pero bakit may connection sila? At si Sab panigurado masasaktan sya eh bakit sya pumayag? Hay naku Ewan ko sayo yen!!! Hahaha

Please don't forget to vote hit the ★ below and comment po if you like my story.

Question po anung chapter ang nagustuhan nyo? :) dali share!

♥♡♥♡♥♡♥♡~~~~~★☆★☆

Nakahiga kami sa damuhan habang hinihingal ako sa kaharutan namin ni Alex sa park, nakapikit ako at pinapakalma ang pag hinga ko pero ramdam ko ang pagtitig sakin ni Alex at aware din ako na magkahawak ang kamay namin.

Mali to eh alam ko naman kasi ako? Ako yung third party sa mga party, ako yung third sa third wheel ako yung ekstra sa pelikula na humahanap ng moment sa leading man, ako yung nandyan pag no choice, ako yun.

Kaya dapat itigil. Tumayo na ako at binitawan ang magkahawak na kamay namin ni Alex.

"Uwi na ako Pangit" sabi ko pagkatapos mag pagpag ng pants at nag lakad na ako pabalik kaso pag lingon ko sa ugok nakahiga pa din sinamaan ko ng tingin bago tumayo.

Ihahatid na sana nya ako kaso nag insists ako na mag taxi na lang masyadong masama sa puso ko na kasama ko sya ng ganito katagal at kalapit medyo kasi kumukurot si pag-asa, so ayun hinatid na lang nya ako sa may gate.

Paalis na sya pero tinawag ko sya. At sinabing.

"Pupunta na ako ng State" tapos pinaalis ko na ang taxi kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha nya.

Kailangan ko na tong harapin si Gab, si Sab at higit sa lahat yung pangako ko kay Grandma I think the sooner I face this the better.

Nasa bahay na ako at naamoy ko na may niluluto sa kusina nakita ko si Mama niyakap ko sya mula sa likod.

"Sige na sabihin mo na kung anu yan" Napangiti ako, si Mama talaga kahit di ako nakikita alam nya kung may gumugulo sakin.

"Ma maya ko na lang po sabihin pag nandito na lahat" Biglang humarap si Mama at pinan-lakihan ako ng mata at tinuro ako ng sandok.

"Ayan Yenrita! Sinasabi ko sayo diba sinabi ko sayo hindi madali ang pag aasawa lalo pa't ang dahilan dahil may laman na yang tyan mo!" Pailing-iling pa si Mama hala grabe diba?

"Ma una po hindi ako buntis pangalawa wala naman po akong boyfriend at pangatlo diba sabi ko sayo wag mo na akong tawaging Yenrita" medyo nakabusangot na ako, Yenrita kasi yung pangalan na gusto ni Lola kaso sabi ng anak nya sa tingin ko savior ko na si Papa ang oldies daw kasi ang gusto nila mama Karen so pinag halo ang names so naging Kayenn.

"Ay talaga hindi pa pala kayo ni Pogi sayang naman?" Kita mo tong nanay ko nag iiba ng usapan alam nya kasi na ayaw kung tinawag ng Yenrita pero inaasar pa din ako.

"Ma ang tsismosa mo hindi kami ni Alex at walang kami" papatalikod na dapat ako kaso hinila na ako ni Mama sa lamesa at pinaupo.

"Dyan ka lang tatawagin ko na sila para mapag usapan na natin nyan" at dali daling tinawag ang mga kapatid ko pati si Papa.

"Te anung latest sayo?" Excited na tanung ni Kathy.

"OMG! Nakita mo si MDB? " Napakunot noo silang lahat kay Kim at nag tatanung ang tingin, pinan lakihan ko sya ng mata para manahimik.

"Mali kayong lahat mag aabroad na po ako" sabi ko sabay tingin kay Papa. 

"Nahihirapan ka na ba samin? Konting tiis na lang nak bumabalik na yung business natin naaayos ko na" Naawa naman ako kay Papa.

STILL INTO YOU (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon