Chapter 9- You can't fool the oldies

1K 59 12
                                    

We're already here at the medication place maganda nga yung lugar. Kaso parang bahay din nila sa manila e, malaki lang to nang kunti parang bahay lang din tapos may mga doktor, pag sobrang yaman talaga kung anung trip para magastos yung pera.

"Oi babae wag kang tumayo dyan kunin mo tong mga pinamili natin" Napa tingin ako sa lalaking nag salita na akala mo kung sino na naka pamewang pa. Napataas tuloy ang kilay ko.

"At ikaw tatayo lang dyan ganun? e kung nag initiative ka na nakumuha ng ilang bag nu?" sabi ko sabay irap abat nag speech pa nga ako sa lugar e epal.

Huminga muna sya ng malalim bago umiling iling at kumuha ng tatlong plastik... tatlong maliliit na plastik at iniwan yung dalawang malalaki e andun yung mga pineapple na naka lata kamusta naman yun diba?.

"Thanks sa pag tulong ha?! ang gentleman mo talaga" sabay hila sa dalawang plastic at nilagpasan ko na sya at pumunta sa kwarto ni lola.

Hindi ko alam kung panu ako kakatok sa pinto bilang nga ang mag kabila kung kamay ay may bitbit, parang dininig ng mga anghel sa langit ang tanung ko at nag padala ng isang anghel! yes totoong anghel to isang napaka among mukha ang nag bukas ng pinto.

"Yes" tanung ng anghel, hindi ko alam kung panu mag sasalita parang nastroke yung dila ko at di maka galaw.

"We're here for grandma" sabi nung pangit na lalake sa tabi ko nakasunod pala sya, napairap ako pag katingin ko sa babae para na akong nawala sa eksena ang pag kakatingin nya kay Alex kala mo lechon sa fiesta, parang regalo sa ibaba ng Christmas tree at excited na excited na syang buksan.

"Oh hi Xander! im glad to see you finally" She said, tsk parang ewan lang sya e hindi naman sya pinansin ni Alex dahil tuloy-tuloy lang sa pag lalakad haha buti nga sa kanya.

"Oh you're with someone pala" sabi nung hitad na anghel ang mukha. Obvious ba e sya nga ang nakapag bukas sakin e.

Hindi pa din sya pinansin ni Alexander dahil tumuloy na ito kay lola sa balkonahe. Syempre bilang pakitang tao nag pakilala na ako baka sabihin snobbish din ako.

"Yenn nga pala" sabi ko with a friendly smile, tinaasan muna ako ng kilay bago sya ng salita.

"Angel" she said quickly sabay talikod di man lang nag pakita ng interest,  wow ha! Gandang bebe, well maganda naman talaga.

Leason for the day hindi lahat ng maganda palangiti yung iba makati haha nag rhyme yun a. Hindi naman sya pinapansin ni Alex asa naman sya dun e feeling gwapo yun e.

"Oh anu hindi kana papasok kala ko ba mabigat yang dala mo?" Speaking of the devil and devil himself, Iniripan ko lang siya at papasok na dapat ako pero sinalubong nya na ako sa may pinto at kinuha ang dala ko. Arte arte bubulong bulong pa nyang sabi kala nya hindi ko narinig.

"May sinasabi ka ba?, lakasan mo parinig mo sakin." Sabi ko habang pinandidi-latan sya ng mata.

"Wala sabi ko ang ganda ganda mo" he said sarcastically.

"Maliit na bagay wag nating palakihin nu ka ba!" Sabi ko sabay halakhak napangiti na din sya habang pailing iling. May narinig akong tumatawa din pag tingin ko si lola pala na naka tingin saamin.

"Hi lola!" Masigla kung bati sa matanda.

"Hello apo mabuti at sumama ka, I don't want to be in this place can we go home na ba?" Sabi ni grandma. Naawa naman ako, hay buhay kung pwede lang diba.

"Si grandma naman kararating ko nga lang dito pauuwiin na agad ako, ipasyal nyo po ako mamaya mukhang maganda yung lugar e"

Napa tango tango ang matanda habang ako naman napangiti kailangan ma-divert ang isip nya sa ibang bagay dapat hindi nya maisip na nandito sya for medication dapat isipin nya na bakasyon lang ito.

Napatingin ako kay Alex na nakatingin sa amin makikita sa awra ng mukha nya na masaya sya, pag linggon ko kay Angel nakatingin sa akin na may pag kagulat, anung nakaka gulat na apo ako ng inaalagaan nya' at inisnab nya lang kanina.

"Hija tamang tama I'm sure you want to hear the story of this place" Sabi ng matanda halata ang excitement sa boses nya.

"Oh my God! Here we go again" sabi naman ni Alex.

"May sinasabi ka Alexander?" May pagbabanta sa tanong ni grandma na nagpangiti sa akin.

"Wala po lola, baka po pwedeng si Yenn na lang kwentuhan nyo manunuod na lang po ako ng movie" tanong ni Alex.

"Hindi pwede kayong dalawa ang makikinig" sabi ni lola, hindi ko napigilan ang pag tawa yung mukha ni pangit priceless parang napag sakluban ng langit at lupa at ang isinukli sa pag tatawa ko sa kanya inirapan ako.

"Nurse pwede ka ng lumabas" utos ni lola kay Angel, na parang natauhan naman sya at napahiya na lumabas ng pinto, pero bago sya lumabas sumulyap muna kay Alex abat! May pasulyap sulyap pa ang hitad, e si Alex busy sa cellphone nya. Napailing iling na lang ako.

Nag kwento na si lola, kaya pala ayaw ni Alex pakingan kasi lovestory pala yun ni lola at ng namayapa nyang asawa, isa pala sila sa nag tatag ng lugar na ito, dito din pala nabuo ang lovestory nila habang ako kilig na kilig sa pakikinig si Alex kulang na lang masuka sa pakikinig haha buti nga sa kanya.

Nakatulog na si lola at inayos na namin sya.

"Oh my! I thought hindi na matatapos ang story telling na yun" sabay buntunghininga akala mo nabunutan ng malaking tinik.

"Ikaw napaka o.a mo!" sabay hamampas sa braso nya. Tiningnan nya naman ako ng masama bago hinimas himas ang braso nya.

"Yan ang hirap sa inyong mga babae ang hihilig sa love love love kala mo dun umiikot ang mundo!" Sabi nya na may pailing iling pa.

"In general talaga? ni lahat mo naman hindi ako ang hilig ko ngayon mag laro ng gameboy" sabay labas nung gameboy ko, regalo to sakin ni papa nung grade six ako kahit marami ng nintendo ang lumabas mahal ko pa din tong akin.

"We? Sus kunwari ka pa!" Sabi nya may patingin tingin sya sa hawak ko.

"Oo kaya kailangan kung ma beat yung high score ni papa sa battle city" sabi ko sabay upo.

"Lahat ng babaeng kilala ko ang problema love" sabi nya sabay upo sa tabi ko. Napa kunot ang noo ko problema ba nito.

"Anu bang problema mo? Kung may pinag lalaban ka dun ka sa mendiola wag dito, tsaka ako babae ako pero ang problema ko ito" sabay angat sa gameboy ko "tagal mag loading" dugtong ko pa.

"I don't believe you" sabi ni Alex. Sarap talagang kutongan minsan.

"E de wag tsaka inaanu kaba ng mga babaeng love love love ang problema?, palibhasa ikaw walang love love love, I'll be doubtful nga kung nainlove kana nga e". And by that isaw him, he stiffed from his sit opps did I hit some sensitive nerves?

Umiwas sya ng tingin napag hahalataan tuloy sya. Aasarin ko pa sana kaso tumunog na yung gameboy ko signaling that my game has started.  So I just shrugged my questions madami pa namang panahon  e.

Nakatulog na si Alex sa sofa, buti naman dahil hindi din ako nakapag laro dahil inagaw nya yung gameboy ko sa akin at sya na ang nag laro asar lang halos maubos nya na yung one hundred games bago antukin, kumuha ako ng kumot at kinumutan si pangit, pupunta na sana ako sa balkonahe para dun ipag patuloy ang pag lalaro, nang makita ko si lola na nakatingin sa akin. Napangiti naman ako at lumapit sa kanya.

"How was your feeling Grandma?" I asked her while brushing her hair with my fingers.

"Im bit fine, tara dun tayo sa balkonahe" kaya tinulungan ko sya na mag lakad papunta dun.

Matagal tagal na kaming nakaupo ni lola pero hindi man lang sya nag salita. Nang bigla syang tumingin sa akin.

"I know you're not Alyssa" sabi nya pakiramdam ko sumali ako sa ice bucket challege sa pag kakalamig ng pakiramdam ko.

"I know your secret" She added...

STILL INTO YOU (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon