Chapter 27- My L with spaghetti,chicken and icecream

605 47 10
                                    

Si Gab nakatayo tapos yakap nya ako mula sa likod ko, hinahalik halikan nya ang ibabaw ng ulo ko. At ako nakapikit, nakangiti at hawak ko ang mga braso nya habang hinihintay namin ang bukang liwayway sa tabing dagat.

It is a dream of him again...

But the difference is wala ng racing heart beat just the serenity feeling.

Wala na din yung gigising ka na feeling disoriented ka kasi hinahanap mo sa sarili mo kung kailan nangyari sa parte ng buhay mo ang pinapanaginipan mo. Parang missing puzzle na hindi mo mabuo hanggang sa mafrustrate ka na lang.

Ngayon alam ko na kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko pag gigising ako sa ganung panaginip, kasi nakikita ko si Gab. And Gab has the ability to make my pulse beat faster just by seeing him. At yun mismo ang ginagawa ko sa panaginip ko pinapanuod ko ang sarili ko habang kasama ko si Gab.

But today's dream is different, ako na mismo ang gumaganap sa panaginip ko, nararamdaman ko kung ano ang pakiramdam na kayakap si Gab, nararamdaman ko yung kapayapaan, katahimikan at yung sobrang kaligayahan.

Gab what are you doing to me? Sino ka ba talaga?

Matagal na akong gising habang nakatulala lang sa ceiling ng kwarto ko.

Wait kwarto ko?.

Diba kagabi nakatulog ako sa balikat ni Gab.

Mabilis akong bumangon at tumakbo papuntang living room, kaso wala na akong nakitang Gab dun, medyo na dissapoint ako pero may iniwan sya note sa table.

Thanks for last night, it was different kasi with all the girls I've been with ikaw lang ang babaeng tinulugan ako.
                 -Gab your hot neighbor

Napangiti naman ako sa note si Gab talaga kahit kailan, his so full of himself may kayabangan ding taglay si Alex pero si Gab? God! nung nag pasabog ata ang Dyos ng kayabangan sa itsura sinalo lahat ni Gab.

Pero infairness malinis na ang sala ko wala ng pizza crust na nakakalat pati yung mug ko kagabi hugas na din. Kumulo ang tyan ko sa gutom. Naku anung kakainin ko ngayon?

Pagpunta ko sa kusina may plato na nakatakip at may note din.

Eat this my L.

Alam kung si Gab ang gumawa nito dahil sa pareho sa unang notes ang sulat kamay. Pero anung ibig sabihin ng my L?

My love?
My lovely lady?
My loka?

Arrgh! Ay ewan!, basta ako kakainin ko ito. Wow! Bacon sandwich infairness masarap, nag timpla ulit ako ng mug of hot chocolate. Nang matapos ko na ang sandwich ko pumunta ako sa may terrace dala ang tasa ko ng maiinit na tsokolate. Isa sa gusto ko sa Boston yung weather, maaraw na pero malamig yung hangin, the people are busy walking down the street, there are also few vehicles passing by.

I close my eyes as I slowly inhale then exhale, after how many tries huminto na ako kasi pakiramdam ko may nakatingin na sakin. Tumingin ako sa kaliwa ko at ayun si Gab smiling widely at me suot pa din nya yung damit na pinahiram ko sa kanya.

"Ang ganda ng view nu?" Tanong nya, tumango lang ako at binalik ko na ang tingin ko sa kalsada, kahit feeling ko mag kaiba kami ng view ng tinitingnan. "My L! Nagustuhan mo ba yung sandwich na gawa ko? Sigaw ni Gab sa kabilang bintana

Kinunutan ko lang sya ng noo, tapos umirap. "Anung my L ka dyan L as in Letse?! Ni letse mo ba ako?" Mataray kong tanong.

Kung kanina malapad lang syang nakangiti ngayon, tawa na naman sya ng tawa, feeling ko nga naririnig ng mga taong naglalakad sa baba kasi may nga tumitingala na. Kaya pinandilatan ko naman sya ng mata.

STILL INTO YOU (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon