Chapter 12- His first love

888 58 10
                                    

Pauwi na kami galing sa dream date ni Alex, nasa akin pa din yung sulat ni lola pinasok ko sa loob ng bra ko kanina nung nasa cr ako wala akong dalang pouch e.

"Hoy panget daan tayo sa convenience store may bibilhin ako" hindi na sya nag salita at pinark na yung kotse nya.

Sandali lang ako at lumabas na din agad.

"Ang tagal mo naman,babaeng to anu ba yang binili mo?" Iritadong tanung ni Alex.

"Grabe ang bilis na nga nun e, bumili lang ng kulang na ingredients para dun sa gagawin kung drinks" paliwanag ko tapos nilagay sa backseat yung pinamili ko.

"Drinks? As in alcoholic drinks? "

"Hindi tubig mag titimpla ako ng tubig, syempre alcoholic drinks"

"Talaga? Marunong ka?" Nakatingin pa din sya sa daan pero halata ang pag dududa sa mukha nya.

"Oo naman ang dali-dali lang e" binuksan ko ang phone ko at binisita ang base ko may account kasi ako sa clash of clans baka may sumugod na.

"Patikim naman" hindi ko sya pinansin mag uupgrade kasi ako ng mga wall ko.

"Hoy kulit!" Sabay kalabit pa sa akin ni panget.

"Anu ba ang gulo mo!, busy ang dyosa e" sabi ko na di pa rin sya tinitingnan.

"Grabe kapal e nag lalaro ka lang naman dyan at ang lame naman yan" padungaw dungaw pa sa cp ko.

"Naku lalong di kita patitikimin ng serbeza ala yen"

"O sige hindi na, anu ba kasi yun?"

"Basta daming tanung, laro ka ng coc kulang kami ng isang ka clanmates" sabi ko kay Alex.

"E ayaw ko pangit naman nyan e"

"Pangit e baka ma adik ka dito" sabay pakita sa kanya nung cp ko.

"Hinaharangan mo yung paningin ko, alisin mo nga yang pangit na cp mo sa harap ko"

"Ang yabang talaga!"

Bumaba na ako sa kotse at hindi ko na sya nilingon kaasar kasi sa kayabangan kala mo kung sinong greek god. Binaba ko na yung mga pinamili ko at dumiretso sa kwarto namin ng mga kapatid ko, share kami ng kwarto may dalawang bed sa kwarto yung isa medyo malaki kasi share yung dalawa kung kapatid yung maliit sakin.

Biglang tumunog yung cellphone ko.

1 message receive.

Sino naman kaya to?

Panget.Alex

Bigyan mo ako nung serbesa ala yenn turuan mo din ako ng coc :D ang sarap palang manginis,

See you tomorrow. Night ;)

Ang jologs nya talaga hindi ko na naman mapigilan ang pag ngiti kulit may smiling with kindat face pa.

Ang sarap ng tulog ko iba talaga pag kasama ko ang pamilya ko, pag ka gising ko diretso na agad ako sa kusina nasa sala pa lang ako dinig ko na ang kulitan ng mga kapatid at papa ko amoy ko na din ang sinangag at daing.

"God morning people of the Philippines standing in front of you no other than the most alluring, magnificent, fantastic, flawless, awesome with the size of 32, 24, 32!" Sabi ko at nag wave ng pang miss universe.

"Sabi sa inyo pa kainin si ate agad ayan nagugutom na inatake" sabi nung sumunod sa akin.

"Hoy tanda pakainin mo na yung anak mo at painumin na ng gamot yan" sabi ng mama ko na akala mo kung sinong bagets maka tawag ng tanda sa papa ko at nag tawanan pa silang lahat.

STILL INTO YOU (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon