Chapter 13

6.2K 138 16
                                    

Jake POV

"Hi best!" nakangiting bungad ni Kath sa akin.

"Pag ako iniwan ni Nicole. Lagot ka sakin! naka simangot na sabi ko

"Don't worry best. Pag labas mo naman dito sa restaurant na to, kayo pa naman ni Nicole eh."

" Ewan ko sayo Kath!"

" Awww! talagang galit? ayaw mo na akong tawaging best eh. " nakasimangot na sabi niya.

Ay naku ang lakas na naman ng topak ng kaibigan ko at naiinis ako dahil sumunod ako sa gusto niya..

natigilan ako sa pagtawa ng tumunog ang cellphone ko.

from: Kath
best! if ever na makita niyo na ako kunwari ako pa din ang " girlfriend " mo ah! may gusto lang ako makita eh! wahahahaha bawal humindi sakin! pretty please!

to Kath:
siguraduhin mo lang na may asawa pa ako pag labas ko ng restaurant na to! pag ako hindi inimik ni Nicole mamaya. lagot ka sakin

from Kath:
sure best! hahaha excited na ako! pasok na kayo! daliiii.. wahahaha

"mister regarding san yan at bakit parang napapaisip ka?" tanong sakin ng pinakamamahal kong asawa

"wala naman. tara na" pagsisinungaling ko. yari ka sakin kath. i hate this feeling! yung parang may tinatago kay Nicole

"pasok na tayo?" aya ko na lang sa knya para hindi na sya magtanong.

"yeah! thank you so much Jake ah, as in super. alam mo na kung para san yung thank you! let's go! pasok na tayo. excited na ako na makilala ang best friend mo." hinatak na niya ako pag kasabi niya nun. gusto ko na umatras sa usapan namin ni Kath.

habang papalapit kami sa table na kinaroroonan ng bestfriend ko. naramdaman ko na unti unting nawala ang ngiti ni Nicole ng mapansin niya kung sino yung friend na tinutukoy ko!

humigpit ang kapit niya sa braso ko. gusto ko sabihin sa kanya na ok lang yan at iparamdam sa kanya na sobrang mahal ko siya at walang magbabago kaso nakapangako na ako sa aking pinakamamahal na kaibigan. nakakainis!!! tsk.

"Jake pwede ba akong mag CR muna? una ka na lng dun sa table"

"Misis naman! malapit na tayo oh. nakita ka na ni Kath" gusto ko na siyang hilahin papunta dun at ng malaman niya na wala naman talagang something sa amin ni kath

" yun na nga eh. kinakabahan ako dahil nakita ko na naman yung girlfriend mo" mahinang sabi ni Nicole pero sapat na para marinig ko. so hindi pa rin pla niya inaalis yun sa isip niya?. bigla akong naiinis dahil sa narinig ko na sinabi niya.

"Misis, drecho na kasi tayo dun., wag ka na maginarte ok?!" medyo may inis na sa boses ko. naiinis ako na isipin na wala pa din plang tiwala si Nicole kahit ilang beses ko ng sabihin sa kanya na mahal ko siya.

" gusto ko nga muna mag CR eh" mahinang sabi niya. ayoko na kumontra sa naiisip niya baka ito pa yung pag mulan ng mas hindi namin pagkakaintindihan. tsk.

naisipan ko na lng na biglang alisin yung kamay niya sa braso ko para malaman sa mukha niya kung tama ba ang naiisip ko. na nag seselos pa rin siya kay Kath. at tama nga ako may kinakain pa siya ng selos. sasakyan ko muna si Kath ngayon. pero mamaya si siguraduhin ko na bago kami matulog bati na kami ng asawa ko.

"mauuna na ako. wala akong panahon ngayon sa kaartehan mo! sumunod ka after mo mag CR at kanina pa nag aantay yung kaibigan ko!" tuloy tuloy na sabi ko. pang best actor na talaga ako.

nakita ko na pumatak yung luha niya kahit pilit niyang tinatago yun. sumobra ata yung acting ko. nakakainis!.

"sige sunod na lng ako after ko mag CR" after niya masabi yun umalis na siya kaagad.

agad akong bumalik sa katinuan ng magsalita si kath..

"best nga pla may kasama din ako ngayon. gusto ko siya ipakilala sayo ng formal. and please wag ka muna magtatanong sa akin ng kung ano ano ah" seryosong sabi niya.

" at bakit naman bawal? dahil pa din ba yan sa parents mo?"

"yeah! at dahil pa din dun. buti nga pumayag siya eh. kahit hindi maayos yung una namin pagkikita, tinulungan pa din niya ako"

" wag mong sabihin na tinuloy mo yung sinasabi ng mga kaibigan natin?"

"sisigawan mo ba ako pag sinabi ko na oo?" paawa effect niya

"oo! nasisiraan k na ba?!" inis na sabi ko

"ok eh di hindi ko sasabihin na oo sinunod ko" matigas na sabi niya

"may god Kath! nagiisip ka ba ng tama?"

"oo. alam ko na ginagawa ko best! matanda na ako."

"sino naman yang nauto mo ah? siguraduhin mo na matino yang lalaki na yan ah!"

"opo best! actually mas pipiliin mo pa ata na kami magkasama kesa kasama niya yung pinakamamahal mo na asawa." sabay turo niya sa bandang harapan namin.

nang ako ay lumingon agad nag init ulo ko at ang kamay ko ay naikuyom ko ng makita ko si Ethan na nakahawak sa braso ni Nicole at ang asawa ko naman ay nakangiti rin.

naiinis ako sa nakita ko pero kailangan ko pigilan ang sarili ko para hindi masira ang plano ni Kath at masiguro niya kung talagang tama ang nararamdaman ni Nicole sa akin.

pero sisiguraduhin ko na mamaya pag uwi namin bati na kami at sisingilin ko siya sa pagpayag na hawakan siya nitong magaling na lalaki na to at ang malala pa ay nakangiti pa talaga siya kay Ethan habang papalapit sila sa amin.

magtitiis na lang muna ako sa ngayon at hahabaan ko na lang ang pasensya ko pero sisiguraduhin ko na ako pa din ang mananalo sa amin ng asawa ko mamaya.

--------------------------------

sorry sa late update! hahaha
ano sa tingin nyo guys yung paraan ng pagsingil ni Jake kay Nicole? hahaha 😁😁😁😂😂😂

Thanks sa pag read at pag vote my loves!! 😘😘  feel free sa pag comment! hahaha 😂😂

Deal 1: One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon