Nicole POV
"Baby don't do that again, ok?"
"Kasi naman naynay yung dog kasi niaabot niya yung food ko. takot me kaya nabato ko po yung food"
"Pero baby food is important right? bawal magsayang ng food."
"kasi naman naynay ang gulo gulo nung dog eh. dapat siya din po pagalitan niyo na bawal mangkuha ng food ng iba"
Hindi ko alam kung matatawa ako o magagalit dito sa bunso namin ni Jake. ang daming alam na palusot.
"tara na dun sa taas, maligo ka na. malapit na bumalik ang taytay mo."
"ayaw naynay. ayoko maligo. d naman ako sinasama ni kuya Jr pati ni kuya Jam, tapos si kuya Jet din tapos lalo na si taytay." naiiyak na sabi nito.
"kasi baby lakad ng mga boys yun eh. db sabi naman ni taytay sayo mag uuwi siya ng gusto mong ice cream?"
"Gusto ko po iba iba ng lasa na ice cream"
"sige tatawagan ko taytay mo pag naligo ka na. tara na sa taas?"
"yes naynay."
Halos 15 years na din kaming kasal ni Jake. at nag karoon kami ng apat na makukulit na anak. pero ok na din kasi sila yung nagbibigay buhay dito sa bahay.
Si Jr. 14 years old na siya at masasabi ko na nakuha niya yung ugali ni Jake. saktong sakto na Jr yun. kasi sobrang cold sa iba lalo na sa mga babae, syempre pwera na lang sa akin pati sa bunso namin na si Nica.
Si Jam naman 11 years old na. Siya yung pinakamakulit. Tapos lagi niyang sinasabi na gusto daw niya yung classmate niya kaso deadma daw sa knya. Lagi din niyang inaasar si Nica, pero pag umiyak na yung kapatid niya todo patahan naman siya.
Si Jet naman, 8 years old pa lang mahilig na sa mga libro. ayaw ng mga laruan. sakin ata nagmana si Jet. hahahahaha Hindi din niya hilig makipag usap, pero once na kinulit na siya ni Nica. wala na din siya magagawa kundi sundin yung bunso.
Ang pinakabunso naman na ay si Nica. Ang pinaka bossy sa knilang apat. Gusto niya lagi siyang nasusunod. Pero once na pinagsabihan na siya ni Jake nakikinig naman siya. pero pag ayaw niya na papagalitan siya inuunahan na niya ng iyak, para maawa yung taytay niya sa kanya. may magiging artista ako na anak, sa edad na 6 marunong na umarte eh.
Pero sobrang proud ako sa mga anak ko kasi kahit alam nila na kaya namin ibigay yung pahat ng gusto nila alam pa din nila na hindi dapat sila maging maluho. Halos lahat ng kaibigan namin nagtataka kasi "naynay at taytay"!tawag nilang lahat samin kaya yung mga inggetera at inggetero ko na mga kaibigan ayun din yung gusto nila itawag sa kanila ng mga anak nila.
Lahat kaming magkakaibigan nasa isang village na lng. Naisipan kasi nila na bumili ng malaking lupa para daw maging tambayan nila kaso ayun simula ng dumating sa buhay namin si Jr, sila na nagsabi na dapat daw lahat kami magkakalapit ng bahay para daw maging magkakaibigan din yung mga anak namin pag lumaki na daw sila. Dun nabuo itong village na to. natatawa nga ako sa anak ko na panganay kasi ayaw daw niya yung kwento kung bakit nabuo tong village na to. kaya naman pag linoloko siya ng mga ninong niya lagi nila sinasabi yun. hahahahaha
After ko paliguan si Nica,nag antay na kami sa pag dating nung apat sa living room at mukhang inip na inip na ito anak ko.
"naynay asan na sila taytay? ang tagal tagal naman nila. baka mayunaw na yung ice cream ko."
"Baby, relax lang ok? bumibili pa yun ng ice cream mo."
" d na nga nila ako sinama tapos ang tagal tagal pa nilang bumalik." naiiyak na sabi nito
BINABASA MO ANG
Deal 1: One Night Stand
RomanceDito mo talaga masasabi na love moves in mysterious ways.... It's started with a deal - Yes! And sa isang pitik lang May arranged marriage ng naganap... Pero sabi nga nila "Take all the risk and get your happiness forever with the one you love" Y...