Chapter 26

487K 13.9K 4.1K
                                    

Chapter 26


[Timi's POV]


Napa-talikod agad ako.

Ayokong tignan. Ayokong alamin.

Ba't ganun? Kung kalian handa na akong bigyan siya ng chance atsaka na naman niya gagawin ang bagay na 'to?

Hobby niya bang paglaruan ako?

"Oh my god! Ang sweet ni Ice!" dinig kong sabi nung isang fan.

Bwiset! Bwiset talaga!

Pwede bang manahimik silang lahat? Ayokong marinig ang tilian nila. Mga bwiset sila!

"T-Timi!"

Naramdaman kong hinawakan ni Rika ang braso ko.

"Uhmm.. alis na 'ko."

"Timi.."

I looked at Rika and she has this worried expression written on her face. I tried myself to smile.

"I don't blame you, don't worry," I assure her.

"But Timi—"

"It's okay. Ganun talaga."

"Hay naku Timi!" dinig kong sigaw ni Ayen. "Bago ka mag-drama tignan mo nga muna! Nakakairita eh!"

Hinila niya ang braso ko at pilit akong pinatingin sa stage.

Napanganga ako.

Sa stage ay may inaalalayan na bata si Ice. Isang batang babae na nakaupo sa wheelchair.

Putol ang kanang paa nito.

"Her name is Cecily," bulong sa akin ni Ayen. "Sobrang fan na fan siya ng EndMira mula noon pa. Para mapasaya siya, pinilit ni Ice na makapunta siya sa concert ngayon. Nagpatawag pa yan ng security para hindi mahirapan si Cecily sa panunuod. He did that to make a fan happy, Timi. Kaya bago ka mag conclude ng kung anu-ano, lingon-lingon muna ah?"

Gusto kong batukan at sapakin si Ayen kasi matapos ko siya pakainin, gaganyanin niya ako.

Yun lang, speechless talaga ako. Tulala.

Umiiyak yung bata. Isa-isa siyang niyakap ng mga EndMira.

Maya maya, tinawag nila si Ayen to join the stage.

Tumugtog sila ng isang kanta. Naki-duet pa si Ice doon sa bata.

My heart melt.

Parang napahiya ako sa sarili ko dahil sa inasal ko kanina.

Oh my god, ba't ba ako nag conclude agad?

"He's a great guy, Timi," bulong ni Rika sa akin.

Napa-ngiti na lang ako.

He's a great guy indeed.

At mukhang willing na akong kalimutan ang ginawa niya noon.


~*~


♪ "Nagsisisi, naiinis.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon