CHAPTER 12 - Trip to...

261 3 0
                                    

Sophia's POV

Dear Diary,
Gusto ko sanang maging maayos ang lahat, gusto kong hatiin ang time ko kay Finn at kay nila Tabs at Gian, pero paano? Ang ganda ko lang diba? Sobrang haba ng hair ko. Tapos meron pang gustong kumuha sa akin bilang talent daw nila. Paano naman yun? Buti kung payagan din ako ng mommy ko e ilang taon pa lang naman ako? Tas kahit sila Tabs ayaw din akong pasalihin.

Bahala na kung paano. Gusto ko rin naman kasing maging isang ganap na singer e. Performer yung ganon. Yun nga lang di ako nabibigyan ng pagkakataon, dahil sa ichura ko. Ang taba taba ko kase.

Ganon na ba ang panahon ngayon? Sa looks na lang ba tumitingin?

Ang hirap naman tumira sa mundong ito, pwede bang magtago na lang ako?

Sophia.

--

Finn's POV

Ang tagal kong nakatitig sa calling card na binigay kay Sophia.

Pag sumali siya dito, mawawalan na siyang ng oras sa akin at baka makalimutan na niya ako ng tuluyan?

Dapat ko bang sabihin kay Sophia na ayaw ko siyang pasalihin dito sa mga ganito? E kami naman na talaga at may karapatan na akong magsabi sa kanya.

"ma'am! Di po kayo pwedeng pumasok jan tulog pa po si ser Pin...."

Sabi ng kasambahay namin,

meron atang nagpupumilit pumasok sa loob ng kwarto ko. Tumayo ako at sinubukan kung buksan ang pintuan pero bigla na lang itong bumakas at nakita ko si Valentine.

"Valen-tine?"

"ser, sbe ko po sa kanya wag po siyang pumasok dahil natutulog ka...." pinipigilan pa din ng kasambahay namin si Valentine.

"KAUSAPIN MO KOOOOOO!!!" sigaw ni Tin,

"sige manang, let her go po,"

Tinulak ni Tin si manang, "sabe ko naman sayo papapasukin niya ako e!"

"anong kailangan mo?"

"kelangan nating mag usap tungkol sa A-TIN!"

"ano pa bang meron sa atin? Wala na tayo. Tapos na."

"hindi pa tayo tapos!!!"

"tapos na... Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo yun Tin?"

Nag-umpisa na siyang umiyak,

alam niya talaga ang kahinaan ko,

Pinatahan ko na siya at pinapasok ko na muna siya sa loob ng kwarto ko,

Valentine's POV

Effective yung pag-iyak-iyak ko. Di pa din nagbabago si Finn. Kahit nung kame pa, iyakan ko lang siya kahit ako ang may kasalanan, umaamo siya bigla.

Hindi ko alam kung bakit ako nandito pero ang alam ko, gusto kong sirain ang relasyon nila nung bwisit na tabachoy na yun.

Hindi ako makapaniwala kasi talaga na sa isang baboy ako pinagpalit ni Finn.

Wala naman siyang rason para hiwalayan ako.

Binigay ko ang lahat. Hindi ko naman siya hinihigpitan sa lahat ng bagay. Pero iniwan pa din niya ako.

At ang rason kung bakit niya ako hiniwalayan,

"HE NEEDS SPACE" DAWWW! SPACE!? SPACE?!?! Shit! Anong space ang gusto niya!?! But wait for it. Sisirain ko lahat ng ikakaligaya niya.

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon