CHAPTER 20 - Bagong buhay

238 1 0
                                    






4 years after









Gian's POV

Ngayong araw na ito, ga-graduate na kami, pinaka masayang araw, pero kulang pa din kami, kase wala si Pia, pero nakapag move on naman na ako sa kanya.

Ayos na din kami ni Finn kahit papano, at kami ni Ish? 3 years na kameng dalawa, nagtataka ang lahat kung paano naging kami, masyado daw mabilis ang lahat, pero bago ko naman siya niligawan, nag-isip isip muna ako dahil hindi madali ang pumasok sa isang relasyon kung di ka naman sigurado.

Pero ngayon, sigurado na ako sa nararamdaman ko para kay Ish at seryoso ako kay Ish, hindi ko man naiparamdam to kay Pia, kay Ish ko na lang ibibigay lahat ng atensyon ko.

--

Nagkaron ng party kami-kaming magkakaibigan.

"mga par! Alam nio ba?" sabi ni Anthony, "may gustong kumuha sa banda natin,"

Napatahimik ang lahat,

"sino!? sino!?!?" sabi ni Logan,

"RELAK LANG KAYO, ANO BA!!!" sabi ni Anthony na naiingayan na sa amin,

"E SINO NGA!?!" atat na tanong ulit ni Logan,

"Gold Label Records daw ang pangalan nung gustong kumuha sa atin,"

"Gold Label Records? Paano mo naman nalaman?" tanong ni Liam,

"may nagmessage kase sa akin sa twitter, gusto nilang kuhanin yung banda natin,"

"sino naman yun?" tanong ulit ni Liam,

"ang kulit niyo naman! Sandali! Ito na ipapakita ko na sa inyo! Buksan ko lang twitter ko!!!"

Nang pinakita sa amin ni Anthony yung sinasabe niya, nagulat kaming lahat,

Hi Mr. Anthony, I'm Mr. Cee from Gold Label Records, isa akong producer and I'm interested with your Band. I also handle the CD Productions.

Nakita ko kase yung pinopost niyong videos sa youtube. Nakuha niyo atensyon ko kaya hinanap talaga kita, just DM me here in twitter, I'll wait for your decision.

"YAN!? OKAY NA!?!" pasigaw na sabi ni Anthony sa amin,

"grabe! Patusin na natin yan!" sabi ni Logan na sobrang excited sa nalaman niyang balita,

Binulungan ako ni Ish, "tara labas muna tayo,"

Masyado kaseng magulo talaga sa loob ng bahay ni Anthony, masyadong maingay ang mga kabanda/kaibigan ko,

Pagka labas namin,

"ano yun babe?" sabi ko,

"hindi ako payag na magbanda ka," bigla siyang lumayo sa akin,

"oh? Bakit naman babe?" nagwo-worry na ako kase paano kung di nga siya payag pero gusto ko naman pumasok sa ganong klaseng trabaho?

"hindi mo na ako mapapansin non," sabi niya,

Napangiti ako at niyakap ko sia from behind at binulungan ko siya, " wag kang mag-alala, di kita ipagpapalit kahit kanino,"

Humarap siya sa akin at nilagay niya ang mga kamay niya sa mukha ko, "siguraduhin mo lang yan Gian Julio!"

"oo naman," sabay hinalikan ko na siya sa mga labi niya,

"HOY! TAMA NA YAN! PUMASOK NA NGA KAYO DITO AT MAY DAPAT TAYUNG PAGUSAPAN!" sigaw ni Logan sa amin,

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon