CHAPTER 63

78 2 0
                                    

Ish's POV

Tawag ng tawag naman 'tong Valentine na 'to. Ano na naman bang kailangan niya!?

"Ate sagutin mo na yang phone. Kanina pa tawag ng tawag yan," sabi ng kapatid ko sa akin na parang medyo naiirita na.

Lumabas muna ako ng bahay saka ko sinagot ang tawag, "hello?"

"May good news ako,"

"Ano na naman yan?"

"Meron na 'kong katulong para mapabagsak natin yang Bea na yan,"

Ito na naman po siya, "oh? Sino naman yan?"

"Pinaka magaling na reporter sa showbiz,"

"Sino nga?"

"Si Ate A,"

Ate A? Parang naririnig ko na yung pangalang yun pero di ko sigurado kung sino ba talaga yun, "aaah, edi good for you,"

"Magkita tayo ngayon,"

-

"this is it! Ito na yung pinakahihintay natin!" sigaw ni Valentine habang nasa loob kami ng kotse niya,

"Ano na bang nangyayari?"

"Pinapahanap ko dun sa Ate A na yun yung nakaraan ni Bea, and guess what? Ang dami na niyang nalalaman,"

"Tulad ng?"

"Hindi ko pa alam, kaya nga ngayon pupuntahan ko siya para malaman ko na kung ano ang totoo,"

Kelangan kong sumama sa kanya, "sasama ako sayo,"

-

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dito ngayon habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. Talagang sisirain nila ang career ni Bea. Which is, mali sa paningin ko. Alam ko na nagalit ako kay Bea dahil sa nangyari sa amin ni Gian pero hindi pumasok sa isip ko na magagawa ko ito sa isang tao. Habang tinitignan ko yung mga litrato ni Bea nung mataba pa siya, yun din nga yung picture na binigay sa akin nung private investigator na tinago ko. Ngayon alam ko na kung bakit ko ito tinago.

"Huy Ish! Speak up! Nakikinig ka pa ba sa amin?" Tanong ni Valentine sa akin,

"Ah... O-oo naman," sabi ko na lang,

"Dapat ipa-blind item muna natin 'to," suggest naman nung Ate A sa amin,

"Sige lang Ate A. Mas maganda yung dahan-dahan para lalong naku-curious ang mga tao,"

Napasingit tuloy ako sa usapan, "kelan niyo balak ilabas yung totoo?"

Napatingin sa akin si Valentine, "sa tamang panahon, siguro, ewan ko. Bibigyan ko na lang ng cue si ate A,"

Mukhang seryosong seryoso na talaga siya sa balak niya. At ako naman parang gusto ko ng umurong pero, di na pwede. Hindi ko alam kung ano pang pwede kong magawa para mapigilan sila.

Bea's POV

"Look Tabs!" nilaksan ni Charlene yung TV kasi meron atang blind item na parang ako daw, "parang ikaw yan? Di ko lang sure tabs ah? Pero..."

Pinutol ko ang pagsasalita niya, "oo ako nga yan,"

"EEEEHHHH?! PAANO?!" Tumitinis na naman yung boses niya,

"Alam na kasi ni Valentine kung sino talaga ako,"

"Ha?! Paano?! Kelan pa niya nalaman?!"

"Tabs, relax lang pwede? Tumitinis na naman yang boses mo. Tayong dalawa lang dito kaya huminahon ka,"

"Sorry naman, kasi nakakagulat naman yang news na yan. Ilang araw lang tayong di nagkita tapos, ganyan pa mababalitaan ko pagkabalik mo,"

"Pinuntahan kasi niya si mommy sa bahay at talagang tinanong niya si mommy kung ako ba daw at si Sophia ay iisa,"

Ang Sikreto ng Tabachoy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon