Pagkatapos nilang mag usap ni Karina Randall ay nagulat na lang ang dalaga sa biglang pagyakap sa kanya ng ginang.
"Thank you iha. Pasensya na talaga kung medyo may pagka exaggerated ako. I don't know what's happening to me, basta nang makilala kita nakaramdam ako ng calmness sa'yo." Medyo naluluhang sambit pa nito. At first nakakaramdam ng awkwardness ang dalaga but later on ay naging at ease na siya sa presence ng ginang.
"You can think of me as your mother." Muling sabit ng ginang nang kumalas ito sa pagkayakap sa dalaga. Nang hindi sumagot ang dalaga ay muling niyakap niya ito.
Bagamat nagbago ang ekspresyon sa mga mata ng dalaga nang mabanggit ang salitang ina ay hinayaan lang nito ang ginang sa pagyakap sa kaniya.
"Mom!" Sigaw ni Zeref. Nagulat ang ginang sa boses ng anak kaya napabitiw ito sa dalaga.
"Zeref Randall." Mataman nitong tinitigan ang binata.
"Kajika Kurtis." Ganting titig nito sa dalaga. Nagsalit salitan naman ng tingin si Karina sa dalawa.
"You told me, you don't know my son iha?" Ngunit walang sagot itong narinig sa dalaga.
"Dono!" Hingal na tawag ng mga kaibigan.
"Hi Tita!" Nakangiti pang bati nila sa ginang.
"Thank you Mrs. Randall. I have to go." Magalang naman na paalam ni Kajika, at tumango naman ang ginang bilang pagsagot.
Akmang palabas na siya ng awatin ni Zeref.
"Not now Randall.." Malakas na iwinaksi nito ang braso na hawak ni Zeref. Bago pa man ito makalabas ay may sinambit pa si Kajika.
"Goodluck." Makahulugang dagdag pa nito at tuluyan nang lumabas ng cafe.
"Mom,why are you with that girl?"
"You know her? Ang sabi niya'y hindi ka niya kilala." Naguguluhang tugon ng ina nito.
"What?! That girl!" Nag aangil na bulalas ni Zeref.
"Iho, calm down. Mukhang hindi ata kayo magkasundo ni Kajika."
Umupo si Zeref sa bakanteng silya katapat ng kanyang ina, at walang pasubaling ininom ang kopitang may lamang tubig na nabawasan lamang ng kaunti ni Kajika.
"Mom, bakit kasama mo ang babaeng yun?! And why you did'nt tell me na kilala mo pala siya?!"
"Tita, how come you knew that girl?" dagdag na tanong naman ng mga kaibigan nito. Napangiti tuloy ang ginang sa inasal ng mga binatang nasa harap niya.
"Pwede bang isa isa lang. Mahina ang kalaban." Pabirong sagot nito na sinabayan pa nito ng pinong halakhak.
"Okay, don't refer Kajika as that girl boys, she saved me and I'm very thankful for that."
"Huh?" Agad naman nagsalubong ang kilay ng anak nito sa tinugon ng ina. "What happened to you Mom?" May bahid na ng pag aalala ang boses ng binata.
"Nahilo kasi ako, and I was about to passed out nang biglang dumating siya sa hallway kung nasaan ako and she didn't hesitate to helped me. She even offered me a bottle of water to keep me hydrated. Hindi niya ako iniwan hanggang sa bumuti ang pakiramdam ko. Kaya naman, I invited her to treat her as a thanks." Nakangiti pa rin nitong paliwanag sa anak habang hindi naalis ang ngiti sa mukha habang kinukwento ang nangyaring pag alalay sa kanya ng dalaga. "Kaya dapat be good to her boys okay?" Makahulugang tinignan ng ginang ang anak habang sinambit niya ito.
"What Mom?!" tila nahuhulaan naman ng binata ang nais ipahiwatig ng mga titig ng ina sa kanya. "I-I don't have a thing on her!" Tila depensa nitong tugon sa ginang.