GK -ELEVEN

32K 538 114
                                    

"Mr. Art!" tawag ng isang lalaking nakasuot ng isang itim na suit, dark rayban at earpiece para sa radio-  tipikal na get up ng isang bodyguard. "Handa na po ang lahat."

Art gestured his hand for dismissal. Kasalukuyan itong nasa mansion niya. Nakaharap ito ngayon sa isang life size mirror at sinisipat ang sarili. Nang makaalis na ang kanyang bodyguard ay dahan dahan nitong tinanggal ang kanyang maskara.

Wala pa kahit sinuman, kahit ang mga tauhan niya ang nakakita na ng kanyang mukha. Talagang isang misteryo kung sinuman ang lalaking nagngangalang Art. Isang ngisi ang nakikita ngayon sa repleksyon nito sa salamin. 'Magkikita na tayong muli, Kajika at Zeref.'

Samantala,

Nasa kalagitnaan na ng pakikipag talo sina Kajika at Zeref ng biglang bumukas ang pinto at iluwa ang babaeng kanina pa inaabangan ni Kajika.

Nanlaki ang mga mata ni Maja nang makita si Kajika, she didnt expect that of all places dito pa sa XU sila magkikita. She was pale and nervous lalo nang biglang magsalita si Kajika.

"Hi. Maja." isang nakakalokong ngisi ang nakapaskil ngayon sa mukha ni Kajika nang makitang muli ang babae. Samantalang si Maja naman ay abot abot ang kaba. Nanlaki ang mga mata nito at hindi mawari kung bakit ba bigla na lang siya nakaramdam ng pagkailang ngayong makaharap si Kajika.

'What to do? What to do?' sigaw ng kanyang isipan. Ang mga kaklase nila ay mistulang nanunuod ng isang shooting, inaabangan nila ang susunod na mangyayari.

"Do you know her?" biglang tanong ni Reid kay Maja.

'What to say?! What to say?! Why Reid in a foul mood? Don't tell me na iyang Kajika na iyan ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ang Reid ko? At hindi ako pinansin ng Zeref ko?' sigaw ng isipan nito.

"N—" when she was about to answer Reid bigla namang nagsalita si Kajika.

"Yes." madiing sagot ni Kajika. "Nakikitira siya sa pamamamahay ko." Kajika said while grinning. She can see Maja's bitter reaction.

'Why YOU!' sigaw ni Maja sa isipan niya. Namumula na ito sa inis.

"So that explains why, now we're really over Maja!" galit na sigaw ni Reid sa kanya.

"No Reid, honey. Please listen, hindi naman porke nakatira ako sa kanila is—"

"No need to explain!" sigaw nito. Galit na tumingin ito kay Maki. Maki just ignored him na lalong kinainis nito.

"You despicable woman! How dare you! Ugh." bigla na naman kasing sumakit ang 'parte' niyang yun. Gustong matawa nang mga kaklase nila ngunit takot lang nila na sa kanila ibaling ng apat na hari na ito ang mga galit nila.

"My toes! My knees! My shoulder! My head! Aww aww! Napakabayolente mo naman babae." asik ni Haru kay Aya. Sinamaan lang siya ni Aya ng tingin. Hindi alam ni Haru kung bakit pagdating sa babaeng ito ay tiklop siya. Yung mga pang aasar at pambabara niya ay walang epekto.

Gang-KuzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon