GK -FIVE

31.5K 482 44
                                    

Devy: This chapter contains inapproriate language and bloodyscenes. Please, Be openminded! Arigato.

Halos isa't kalahating araw din ang ginugol ni Tsukasa bago matapos ang pag imprenta nito ng serpent dragon na siyang simbolo ng Kuroda sa likuran ni Kajika. Ang katawan ng dragon ay sakop ang buong likod nito, samantalang ang buntot nito ay nasa bandang puwitan niya at ang ulo nito'y nasa batok, that's why she needs to put down her hair lalo na pagdating niya ng Pilipinas, she even colored her hair into brown.

How ironically na mas nasasaktan pa siya sa ginagawa ni Tsukasa na pagtattoo sa likuran niya kaysa noong sinugod niya ang kuta ng mga Takatori. Nasasaktan na natatawa siya sa ginagawang proseso. Paano ba nama'y kasama nila si Junpei. Napapangiwi ito tuwing nakikita niyang nasasaktan si Kajika na tila ba siya ang nasa lugar ng dalaga. Nang matapos iyon ay halos ayaw nang lumabas ng dalaga sa kanyang silid at nagkasya na lamang itong magdamag na nakadapa sa kanyang malaking kama. Umabot ng kalahating araw bago nawala ang pangingirot ng tattoo niya sa likod. Pinagmasdan niya ang kanyang hubad na repleksyon sa salamin, habang ginagalaw niya ang katawan ay parang isang buhay na dragon ang nasa likuran niya. Napangiti siya. Isa na siyang tunay na Kuroda. Ngayon ang misyon niya na ang susunod. Ang mahanap ang ina nito.

Dahil isang makapangyarihang tao si Junpei sa bansa ay madali na lang para sa kanya na makuhanan ng pasaporte si Kajika gamit ang apelyido ng ama nitong si Chris. Dahil sa kilala ding tauhan nila Junpei sina Maki at Aya ay pinalitan din nito ang katauhan nila. Isang araw mula ngayon ang takdang pagdating nila sa Pilipinas. Sinabi pa ni Junpei na mayroong taong sasalubong sa kanilang pagdating na mula sa angkan ng ama nitong si Chris. Isang nagngangalang Sebastiano Mikaels ang susundo sa kanila. Natuwa si Kajika dahil ito ang unang pagkakataon na may makikilala siyang tao mula sa side ng kanyang Papa.

**

Location: Underground Den VIP Room (Philippines)

TIme: 1900H (0700PM)

"Ito na ang araw na pinakahihintay ko! Ang muling paghaharap natin sa mga Capricio! Yehaw!" natutuwang sambit ni Haru habang sumusuntok sa hangin suot ang kanyang brass knuckles.

"Just keep your hands off to Rain. He's mine. Mine Alone." sambit naman ni Grei habang ipinunkol ng hawak niyang punyal ang litrato ni Rain Ventura, ang kanyang dating matalik na kaibigan.

"Hindi na ako makapaghintay na durugin ang pagmumukha ng Iniego Aragon na yun!" nanggigil na wika naman ni Reid habang walang humpay na pinag susuntok ang katapat nitong sandbag.

"Palibhasa ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw." pasimpleng bira ni Haru kay Reid. Napatigil naman ang lalaki sa pagsuntok sa sandbag at kunot noong tumingin kay Haru.

"Anong ibig mong sabihin bata?" inis na tanong ni Reid.

"Madali lang, ang babaero galit sa kapwa babaero. See? Palibhasa ang babae niya ay babae mo rin, in short nagpapasahan lang kayo ng babae. Hindi na ako magtataka if one day nagkaroon ka na ng Herpes o kaya ng Aids. HAHAHA!"

"Ulol! Gago!"

"Gwapo naman."

"Fuck you!"

"Yeah! Fuck my ass!" at tinuro pa ni Haru ang puwitan nito na tila ba lalong inaasar si Reid. Si Haru kasi ang alaskador ng grupo at hilig nitong asaring si Reid dahil madali itong mapikon, at dahil madaling mapikon si Reid ay akma na nitong susuntukin si Haru.

"Stop." mahina ngunit madiin na wika ni Zeref. Nakaupo lamang ito sa couch habang nakataas yung dalawang paa nito sa lamesita. Kasalukuyang nasa loob sila ng VIP room kung saan isa ito sa mga pribilehiyo ng mga nasa TOP 3 na pinakamalalakas na Gangster sa bansa.

Gang-KuzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon