"Pare, kamusta na. Ang tagal mong nawala. Sino naman itong magandang binibining kasama mo?"
"Asawa ko, si Kazumi Kuroda." pakilala nito sa babaeng katabi.
"Kazumi, kaibigan ko way back highschool, kababata at isang sanggano." Tumawa ito sa huling tinuran. Kiming ngiti at tango naman ang isinukli nito.
"Please to meet you Kazumi, I'm Xavier and on the contrary hindi ako sanggano, good boy na ako." Inilahad nito ang kamay at sinundan ng tawa ang sinambit niya. Bagamat nahihiya ay tinanggap naman nito ang kamay ng kaharap.
"Oh honey, there you are. Our princess's looking for you. Oh... Hi." bati nito sa kausap ng asawa.
"Honey,this is my friend Chris and his wife Kazumi. Guys, this is my overly sweet and beautiful wife Karina."
"Hi Karina." sabay na sambit nina Chris at Kazumi, bagamat mahina lang ang pagkakasambitng huli.
"Hi again." very jolly na sambit ni Karina. Napatingin ito kay Kazumi. "Excuse us guys, but can I have a little talk with Kazumi? You know girly chat. Siguro naman marunong siyang magtagalog." sinundan nito ng pinong tawa ang tinuran.
Tumingin pa nga si Kazumi sa asawa na wari'y nag hihintay ng reaksyon mula rito. Tumango at nginitian siya ng asawa.
"Don't worry dear, I won't bite." birong turan nito kay Kazumi. Kahit nakakaramdam ng hiya at pagkailang ay nagpatianod na lang ito sa kasama.
"Our wives will be a perfect pair of bestfriends." sambit ni Xavier, habang hinahatid ng tanaw ang dalawang babae.
"I'll bet my neck, they'll be." sang ayon ni Chris. "To our future alliance." pagtaas nito ng kopita.
"Hell yeah! Cheers!"
***
Makalipas ang ilang buwan na pananatili nila sa Pilipinas ay madalas na ang pagkikita ng dalawang pamilya. Naging malapit na nga ang dalawang babae sa isa't isa na kung magturingan ay tila matalik na magkaibigan.Hindi naman lingid sa kaalamanan ng dalawang babae ang negosyong laging pinag uusapan ng kanilang mga asawa. Kabilang si Xavier sa isang organisasyon at kasalukuyang namumuno rito, samantalang si Chris naman ang kinatawan ng Kuroda sa Pilipinas.
Kasalukuyan silang nagkukwentuhan sa gazebo ng mansion ng mga Randall. Buntis sa pangalawang anak nito si Karina gayundin si Kazumi sa panganay nitong anak. Nasa ika anim na bwan na ang pagdadalang tao ni Karina samantalang nasa ikatlo naman ang kay Kazumi.
"Alam mo na ba kung anong kasarian ng baby mo?" tanong ni Kazumi rito.
"Lalaki. Hayy, excited na ako na makita siya. Sayang hindi pa natin alam yung gender ng baby mo. Sana babae. Tapos.."