IV. I'm N

14.6K 538 67
                                    

IV. I'm N

*N*

It's holiday and N couldn't be happier. He got to slack off all day without thinking about school. Well, it never worry him anyway. If he could, he'll gonna spend his entire life in his room, watering his plants in the balcony of his room, petting his cat, L, and playing online games in his PC. But he needed to think about what his parents might feel. The reason he's going to school is because of his parents. He doesn't want to see his parents, blaming themselves for not looking after him well.

For N, it's not his parents' problem. It's his.

"Jusko naman, anak! Magugunaw na ang buong mundo pero nakahilata ka pa rin dyan sa kama mo! Hindi kita pinalaking baluga pero 'yon ang kinalabasan mo!"

Napaungol si N nang marinig ang mahabang sermon ng kanyang ina na nasa may pintuan ng kanyang kwarto.

"Bumangon ka na dyan at tulungan mo ang tatay mong magkumpuni ng kotse!"

Napairap sa kawalan si N. "Uggh, oo na, 'Nay."

Labag man sa kalooban niya, bumangon na siya pero hindi pa rin siya tinantanan ng sermon ng nanay niya.

Hindi niya alam kung paano napapagtiisan ng ama niya ang kanyang ina. Madalas kasing tahimik lang si Mr. Caesar Santillan. Maamo ang mukha nito at napakakisig. Karamihan sa features ng mukha ni N ay sa kanyang ama nakuha.

Samantalang si Mrs. Nerissa Santillan naman ay maamo at napakaganda ng mukha ngunit kapag nagalit ay talagang magtago ka na. Walang tigil ang bunganga niya 'pag naiinis siya o nagagalit. Pero kahit ganito ang kanyang ina, napakaganda pa din nito. Nakuha ni N dito ang itim nitong buhok pati ang kulay abo niyang mga mata.

"Oh? Good morning," nakangiting bati ni Mr. Santillan. Nakasuot ito ng business attire. May hawak siyang dyaryo sa kaliwang kamay at tasa ng kape sa kanan.

Tuluyan nang nakababa si N sa hagdan. Umupo siya sa tabi ng kanyang ama. Si Mrs. Santillan naman ay nagwawalis sa salas.

"Kukumpunihin daw ang kotse mo, 'Tay?"

Mr. Santillan chuckled. "No. My car is perfectly okay. Way lang 'yon ng nanay mo para mapabangon ka."

Napabuntong-hininga si N.

Ngumisi naman sa kanya si Mrs. Santillan at nagpeace sign.

"Hindi bagay sa 'yo, 'Nay. Panget mo." Ngumisi si N.

Binato naman ni Mrs. Santillan ang basahan na hawak niya sa ulo ni N. "Loko ka, ah!"

"'Nay naman!" he whined. Inirapan niya ang kanyang ina at gano'n din ang ginawa nito sa kanya.

Kahit na hindi katandaan ang kanyang mga magulang, 'Nanay' at 'Tatay' ang tawag niya sa mga ito. Ayaw daw kasi nila ng 'Mama' at 'Papa' o kaya naman ay 'Mommy' o 'Daddy' dahil masyadong foreign pakinggan. Mas gusto daw nila kung medyo native ang dating.

"By the way, Neri, wala akong pasok bukas. Saan mo gustong pumunta? Kailangan na ba nating maggrocery?"

Inilapag muna ni Mrs. Santillan ang hawak niyang walis. "Oo, kailangan na. Kakaunti na ang pagkain sa ref, eh."

Wild Hunt (BOY X BOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon