XVI. The Wolf Mark

21.1K 621 546
                                    


I know everyone's waiting for this. You can skip this part if you're not comfortable of reading sexual scenes between dudes.

***

XVI. The Wolf Mark

*N*

N was staring at the white wall of Zyder's roomㅡmind swirling about the idea that he just asked Zyder to let him stay the night. Gusto niyang iumpog ang sarili niya. Pero hindi na niya mababawi pa ang sinabi niya at ayaw na niyang bawiin pa.

The door suddenly opened and Zyder walked in with a tray in his hands.

"Kailangan mong kumain, N."

Napansin niyang iyon ang mga iniorder nila kanina na hindi nila nagawang kainin dahil sumama ang pakiramdam niya.

Pinanood niya si Zyder habang inilalapag nito ang tray sa kama.

"Feeling better now?"

Tumango siya. "Yup. Thanks." Kinuha niya ang isang slice ng pizza. He couldn't help but to moan when he tasted the creamy cheese.

He heard Zyder groaned. Napatingin siya dito. Napansin niyang pinapanood siya nito.

"Hindi ka ba kakain?" tanong niya.

Zyder shook his head. "Nah."

Nagtaas ng kilay si N. "Kailangan mong kumain, Zyder." He said mimicking the older man's voice.

Zyder laughed and sat beside him. Sabay silang kumain ng tahimik hanggang sa maubos nilang dalawa ang nakalagay sa tray. Silence enveloped them until N broke it.

"Ang weird."

Tumingin sa kanya si Zyder. "What is?"

"Nung nawalan ako ng malay. Pakiramdam ko nahuhulog ako at sobrang init. Hindi ko alam ang nangyayari sa 'kin." Lumunok siya. Kinilabutan siya nang biglang may imahe na pumasok sa kanyang isipan. "I saw a man. He looked...scary. Parang may gagawin siyang masama. Nakatingin siya sa 'kin na para bang gusto niya akong saktan."

"And then?" He held N's hands and pulled the smaller male closer to him.

This gesture calmed him down a bit. "Tapos ibinuka niya ang mga bibig niya na para bang may sinasabi siya sa 'kin at bigla na lang siyang nagbagong-anyo. Naging isang malaking itim na lobo siya at kinagat niya ako." Hindi namalayan ni N na tumulo na ang kanyang luha. Hindi niya alam kung bakit ang sakit ng dibdib niya na para bang pinipiga ito.

Niyakap siya ni Zyder at hinagod ang kanyang likudan. "It was just an illusion. Don't think about it. You'll be okay." He kept on whispering soothing words to N until he calmed down. "Nandito lang ako. Hindi kita iiwan."

N sighed and leaned his body to Zyder. "Thank you."

"Do you want to sleep again?"

Umiling si N. "Sa tingin ko hindi na ako makakatulog pa."

"So what do you want to do? I have to do something in my office room. Will you be okay if you stay here alone?"

"Oo naman. Pero nasaan si Zaira?"

"She's with your friend Will. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta, e." Tumayo na si Zyder mula sa pagkakaupo sa kama. He ruffled N's hair. "If you want to play video games or watch movies, feel free to do so. Baka matagalan ako pero kung may kailangan ka, puntahan mo lang ako sa dulong kwarto sa hall. Nandoon ang office room ko."

"Okay."

Bahagyang yumuko si Zyder at hinalikan ang kanyang noo. "Bye."

He waved his hand and watched Zyder walked out from the room. Kinagat niya ang ibaba niyang labi. Hindi niya maipaliwanag kung gaano niya kagusto si Zyder. Alam niyang hindi pa sila gaanong katagal na magkakilala pero pakiramdam niya ay sobrang lapit na niya dito. There's something about Zyder that pulls him in. He's sure it's not Zyder's good looks and wealth; it's something way deeper than that.

Wild Hunt (BOY X BOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon