XI. The Pain He's been through

11.1K 474 35
                                    

XI. The Pain He's been through

*Zyder*

Napasigaw si Zyder nang bigla niyang maramdaman ang sakit sa kanyang dibdib. Unti-unti na siyang nanghihina dahil nalipasan na siya ng full moon na hindi pa namamarkahan ang mate niya. Pinalipas niya ang pagkakataong 'yon dahil alam niyang wala na siyang pag-asa pa kay N. Nangako na siyang lalayuan niya ito kahit alam niya ang mangyayari sa kanya. Isang buwan na ang nakakalipas nang huli niyang makita si N at pilit na lumalabas ang wolf niya. Galit na galit na ito dahil hindi nito nakuha ang gusto nito.

Kinagat niya ang ibaba niyang labi. Pinagpapawisan siya. Nakapilipit siya sa kanyang kama. Lubusan siyang namayat dahil sa panghihina niya. Wala siyang ibang magawa kundi ang tiisin ang sakit.

Narinig niya ang paghikbi ni Zaira sa kanyang tabi. "K-kuya, i-i'll go to N and explain everything to him hindi nagkakaganyan ka. Please, you need him. Please, don't do this to yourself."

Nasasaktan siyang nakikita ang kapatid niyang umiiyak pero wala siyang magawa sa ngayon. Ayaw niyang isali si N sa buhay niya. Ayaw niya itong masaktan. Naisip niya na kung sakali mang tanggapin ni N ang pagiging mate niya, maaaring maging mapanganib ang buhay ni N. Madaming rogues na gustong patumbahin ang mga Wolfert. Hindi niya kayang isakripisyo ang kaligtasan ni N.

"D-don't." Hinawakan niya ang kamay ni Zaira. With tired eyes, he smiled softly. "I'm...going to be okay."

Umiling si Zaira. "I-isang buwan ka pang magkakaganyan, Kuya. I can't...I can't bear to see you like this." Humagulhol ito.

"I'm tough. You know that." He smiled again even though it hurts just to do so. Every part of his body hurts but what hurts the most is his heart. Being rejected by your mate will cause a great disaster to the Alpha's body. Now he's suffering because of so much pain and it's weakening him.

Muling umiling si Zaira. Walang tigil pa rin ang pag-iyak niya. "You should have fought for him harder, Kuya. You should have pursued him more even though he keeps pushing you away. You should have make you yours. Why are you so soft? Why do you have to be so kind?"

Hindi na nagsalita pa si Zyder. Ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata ngunit mukha ni N lang ang nakikita niya. His wolf sneered. Its spirit is slowly fading away from him. If this continues, his wolf will leave his body and he'll be good as dead.

Patuloy pa rin ang paghikbi ni Zaira. Narinig niya ang pagbukas ng kanyang pintuan. Hindi na niya binuksan pa ang kanyang mga mata nang marinig ang boses ni Zeke at White.

"What's happening to him?" tanong ni Zeke. Puno ng pag-aalala ang kanyang boses.

Zaira, don't tell him. Gusto niyang sabihin pero sa sobrang panghihina ay hindi na din niya nagawa pang magsalita pa ulit. Nakinig na lang siya sa mga sasabihin ng mga ito.

"K-kuya Zyder w-was rejected by his mate." Humihikbing sabi nito.

"What?!" gulat na sigaw nina Zeke at White.

"That's fucking impossible." sabi ni White. "Ilang araw na siyang nagkakaganito? Akala ko ba nagpunta siyang London para magbakasyon?"

"'Yon din ang alam ko." Dahan-dahang iminulat ni Zyder ang kanyang mga mata at nakita niya si Zeke na nakasabunot sa kanyang buhok. "Nagtaka ako na pagkarating ko ay naamoy ko si Zyder. Kung hindi pa ako umuwi ngayon hindi ko pa 'to malalaman." Tumingin siya kay Zaira na umiiyak pa din.

Wild Hunt (BOY X BOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon