Chapter 1

24.2K 382 4
                                    

Nasa labas na si Patrick ng site at papunta na sa pick up niya nang makita niyang may lalaking sobrang pamilyar ang mukha na parang may hinihintay kasama ang isang parang security guard. Nakapark sila dun pa talaga sa harap ng sasakyan niya. Pucha! Tumawid siya para makapunta sa sasakyan niya nang di sana papansinin ang taong sigurado siyang siya ang hinhintay. Pero bago niya pa mabuksan ang sasakyan, nasa tabi niya na siya at ang mismong kamay niya ang pumigil sa kanya na buksan ang pinto.

"Mag-usap tayo." Di nagustuhan ni Patrick nagustuhan ang tono ng pananalita ng matanda. Parang isa lang sa mga tauhan niya ang kausap niya. After what he did to him the first time they met, he doesn't think he has any right at all to talk to me, he thought. He relinquished those rights himself.

Tinabig niya ang kamay sa braso niya. "I'm sorry Sir but I don't have the time to talk right now. Uuwi pa po ako sa pamilya at gumagabi na. Excuse me," pinilit niyang pakalmahin ang sarili . Muntik niya ngang kalimutan na maimpluwensya siya at nakakatanda sa kanya kaya kahit papaano kailangan niyang galangin.

"You're married? Ba't di ko nalaman to?" Gusto niyang matawa sa tanong sa knaya. Kung makaasta siya, para namang may karapatan pa.

Kung alam niya lang siguro paano, baka nataasan niya na siya ng kilay. "A family doesn't necessarily mean a wife and children sir. I meant my grandmother and my uncle and my cousin when I said family." He was pretty sarcastic when he said "sir." Sana maramdaman niyang ayaw na ayaw niyang siyang kausapin.

Akmang bubuksan na ni Patick ulit ang pinto nang humawak siya ulit sa braso niya. Anong bang problema nang matandang to? Di ba siya nakakaintindi ng simpleng pagtanggi. Tangina naman eh. "Don't make me use drastic measures Patrick," he hissed threateningly. Napakuyom ang isang palad niya. Nauubusan na talaga siya ng pasensya sa matandang to. "Have dinner with us at the house. May kailangan tayong pag-usapan."

"Fine," he said between gritted teeth. As if he have a choice? "Susunod ako sa bahay niyo." Bumitaw naman siya at tumango.

Pagkapasok niya nang sasakyan, agad kong pinaandar yun at hinintay silang makaalis para makasunod naman siya. Naramdaman niya ang higpit nang pagkakahawak niya sa manibela. Una niya pa lang kita sa matandung yun, uminit na agad ang ulo. Di niya alam anong nangyari sa lukso ng dugo. Poot lang naman diretso ang naramdaman niya.

Di nagtagal ay dumating na sila sa may kalakihang bahay nila dito. Di kasi siya taga dito. Ayaw niya naman isipin na kaya siya nandito ay para makita siya. Ang lugar talaga niya ay nasa medyo malayong municipality. May bahay lang siguro to dito dahil malapit to sa capitol at ito maliit na syudad na to ang capital ng probinsya.

Pagkapasok nila sa bahay, naghihintay na dun ang kuya niya. Gusto niya sana itanong nasaan si Madam pero naalala kong naibalitang namatay na pala siya dahil sa sakit. Kung sa bagay, ano bang pakialam niya sa pamilya nila. Di na nag-abala ang matanda na ipakilala siya sa isa pa nitong anak. Naaalala niya na minsan pag nagkakatagpo sila sa university dati, tinatanguan siya nito o di kaya ay nginingitian ng tipid. Hanggang ngayon di niya pa rin alam paano nito nalaman ang tungkol sa kanya at kung sino siya. Alam niya dati pa na anak ito ni tanda. Minsan niyang narinig ang pangalan niya kaya sinearch niya agad sa facebook sino to. Sa pagkakaalam niya, accountancy natapos nito at agad itong nagproceed sa law. Sa pagkakatanda niya, apat na taon ang tanda nito sa kanya.

Tahimik silang tatlo na kumakain. Ramdam na ramdam ang tensyon pero ni isa, walang pumutol nun. Tahimik lang si Patrick sumunod sa kanila papunta sa opisina ng matanda. Di niya hinintay na paupuin ako sa couch. Kumuha naman ng maiinom nilang tatlo si Jonathan at agad inabot sa kanila.

"Di na ako magpapaligooy ligoy pa. I want to introduce you to everyone and make you one of my heirs. Gusto kong ikaw ang mamahala sa mga ari-arian ko. Jonathan will be busy with politics and he can't manage the business," dirediretsong sabi ni tanda.

Tahimik lang si Jonathan. Di niya alam kung sang-ayon ba siya o hindi. Pero parang wala naman siyang angal. Gusto naman ni Patrick matawa sa takbo ng pag-uusap nila. Nahihibang na ba tong matandang to? Tingin niya ba ganun kadali yun. Sasabihin niya na gusto niyang si Patrick mamahala ng mga negosyo niya na para bang ganun lang yun kadali? "Di ko kailangan ng ari-arian mo Mayor. I'm happy with my life. Besides, nasa syudad ang buhay ako. Kung wala lang kaming project dito, di mo ako makikita. So if you'll excuse me, it's late. Kailangan ko nang umuwi. Salamat sa hapunan ha," pilosopo niyang sabi.

Tatayo na sana siya nang tumaas ang boses ni tanda. "Sit down Patrick! Wala kang utang na loob! Ako pa rin ang ama mo at gagawin mo ang gusto ko!" sigaw ng matanda. Nakatayo na talaga ito at nakakuyom ang palad. Namumula na rin ang buong mukha nito sa galit.

Ngumisi lang si Patrick. "As far as I remember Dad," he said the word "dad" with as much venom and sarcasm as he could muster. "You never acknowledged me as your son. At wala akong utang na loob sayo. Wala akong kahit anong utang sayo."

"Bakit? Sa tingin mo, makakaaral ka sa mamahalin mong high school at college kundi dahil sa pera na sinusustento ko?" nakatayo pa rin nitong tanong. Di pa rin humuhupa ang pamumula ng kanyang mukha.

Di rin nawawala ang ngisi ko. "Hanggang ngayon ba hindi mo alam kung sino ang nanay ko? Ang babaeng kinabit, binuntis at iniwan mo?" nangunot ang noo nito sa tanong niya. Hanggang ngayon wala pa rin ba itong alam? "Do you honestly think my mother is just an ordinary bank teller? My mother is far richer than you are. She's a freaking heiress, Dad. You're supposed to be in the same province. Even if you live in opposite sides of this goddamn province, you should've known who she is. May ari ang pamilya namin ng palayan at tubuhan. May ekta-ektarya rin kami na taniman ng niyog, saging, kape at kakao. May commercial buildings din kami. Kaya wag na wag mong isampal sa akin yang sustento na sinasabi mo. Kahit kalian, di kinailangan at ginamit ni mama yun!"

Conveniently MarriedWhere stories live. Discover now