Chapter 2

17.3K 293 3
                                    

 "Dad, please, wag niyo naman gawin to," pagmamakaawa ni Camille. Bigla na lang kasi inanunsyo ng kanyang magpapakasal daw siya sa anak ni Tito Felix. WTF! Anong nakain nito at bigla na lang siyang pinipilit na pakasalan si Kuya Jonathan. For goodness sake, Kuya Jonathan is like a brother to her. Parang incest ang mangyayari. Kahit naman kasi di na sila ganun kaclose ni Kuya, lumaki pa rin silang nang magkasama.

Umiling iling lang ang Dad niya. "I'm sorry hija. But we don't have a choice. Ito lang ang hinihingi sa akin ni Feliz. Malaki masyado ang utang na loob ko sa kanya, kung alam mo lang." Oh God! Anong klaseng gulo naman ba't kasi ang tinakasan ng Dad niya gamit si Tito Felix? "Mabuti sana kung pera lang pinag-uusapan natin pero hindi eh."

"Is this about the fire at the old factory Dad? Were you really guilty at pinagtakpan ka lang ni Tito?" nambibitang niyang tanong. Shit! If he confirms her doubts, di niya alam paano tatratuhin ang sariling tatay. That fire killed five people. It seemed as if the factory didn't comply with some standards kaya mas madali itong masunog. Nanlulumong napatango ang kanyang Daddy. "My God Dad! Nalusutan mo na nga yung pandadamay sayo ng sindikato, ngayon ito naman."

"Don't use that tone on me Camille. I am still your father!" sigaw nito sa kanya.

"Well, when are you going to start acting like one?" sigaw pabalik ni Camille. Agad siyang nagwalk-out nang di hinihintay ang sagot at di siya lumingon kahit ilang beses pa sinigaw pangalan niya ng Daddy niya.

Agad siyang dumeretso sa kotse niya na nakaabang sa labas ng bahay yun at nagmaneho papunta sa bahay ng Tito Felix niya. She has to talk to Kuya. Wala lang sana dun si Tito, hiling niya.

Nang makarating siya sa bahay ng kinakapatid, pinapasok agad siya ng mga gwardya. "Nasaan ang Sir Jonathan niyo?" tanong niya sa dalawang maid na nag-pupunas ng lamesa.

Nagkatinginan ang dalawa na tila nagdadalawang-isip kung sasagutin ba ang tanong niya. "Nasa hardin po Ma'am. Kasama po si Ma'am Clarisse," tila nag-aalangang sagot nung mas nakakatanda.

Tumango na lang siya at nagpasalamat. Paglabas niya sa likod ng bahay ay nakita niya agad ang hardin ng mga Alcantara. Kahit kailan talaga ay naiingit siya sa hardin ng mga ito. Paglingon niya sa gazebo sa kanang bahagi ng hardin, bumungad agad sa kanya ang nagtatalong Jonathan at Clarisse.

"God damn it Clarisse! I told you to wait! Di ko ba makapaghintay? I'm going to find a way out of it so just wait!" sigaw ng Kuya Jonathan niya. Halata ang galit nito. Nakakuyom ang kamao nito na para bang nagpipigil na lang para di mamisikal. The veins on his neck were bulging and the muscles on his arms were straining against his shirt.

Camille looked calm but the anger in her eyes was evident. "My God Jonathan! This isn't some twisted version of Romeo and Juliet. Kahit anong gawin natin, magkagalit ang mga tatay natin! At wala akong planong makipagtanan o mamatay!"

Diyos ko! Wala bang pakialam tong dalawang to sa mga armadong gwardya sa paligid nila? Para na silang nasa teleserye kung makapagsigawan, isip ni Camille. "When did I say that we'd elope or suicide together? I'm only saying that we'll find a way to fix this fucking mess! Para sa'n pa't naging tayo kung bibitaw ka lang rin naman agad? Am I not worth fighting for Clarisse?" Kuya Jonathan actually looked vulnerable the moment he said those last few words. Wagas din naman kasi pinagdadaan nitong dalawang to.

Umiwas ng tingin si Clarisse kay Jonathan. She couldn't bear to see the pain she caused in his eyes. Pero paglingon niya, bumungad sa kanya ang mukha ni Camille na parang kinakabahan. "Good, you're here," Clarisse said, forcing a smile than ended in a wince. "Mabuti nang masali ka dito."

Mukhang alam na ni Camille kung anong pinag-aawayan ng dalawa. It must be about her supposed marriage to Jonathan. The marriage neither of them wants. "Kuya..." mahina at nahihiyang sambit ni Camille. It felt awkward calling him "Kuya" when their fathers want them together.

"Don't worry Camille. There's still a chance na hindi tayo ikakasal. But I can't promise you na hindi KA ikakasal. You see, you're not really supposed to marry me. But my brother," paliwanag niya. Hinawakan ni Clarisse ang kamay ni Jonathan at pinisil. Di mapigilan ni Camille ang mainggit. Kung pwede lang sana niya kunan ang mga kamay nito at ipost sa IG. Relationship goals na masyado. It was all she ever wanted. A man who was willing to fight for her like Jonathan was with Clarisse.

"Ano?" nabibigla niyang sagot. "May kapatid ka? Sino?"

"His name is Patrick Ocampo. He went to the same high school as you I think. Sa syudad kasi sila tumira ng mommy niya ng malaman niyang taga rito si Dad at may pamilya na. We went to the same university. Kinausap na siya ni Dad tungkol dito. But his response wasn't really in favor to us. Kulang na nga lang isumpa niya si Dad."

Sa haba haba ng sinsabi ni Jonathan, isang bagay lang ang narinig ni Camille. Tanging ang pangalang binanggit lang ang tumatak sa isip niya.

Patrick Ocampo

Patrick Ocampo

Patrick Ocampo

Patrick Ocampo

It was the name of her bestfriend na bigla na lang nawala na parang bula. Hanggang ngayon naaalala pa rin niya si Patrick. It was the name of the guy whose heart she broke.

��x�1R��]


Author's Note:

Dahil maaga masyado ako bumalik ng dorm dahil di natulloy yung dahilan ba't ako maaga, pinilit kong mag UD hahaha kanina pa dapat to pero nasira laptop ko kaya sinamahan ko na lang muna maghanap ng susuutin yung friend ko para sa glam pic. Ano kaya theme ko sa aking glam pic? Any suggestions? hahaha

Conveniently MarriedWhere stories live. Discover now