Chapter 43

95 3 0
                                    

Nielle's POV

"Ano kayang trip ng lalaking 'yon at inaya niya ang family mo na mag-dinner ngayong gabi?" asar na tanong ni Lance sa akin. Halatang bitter at nagseselos siya eh

Sa totoo lang, hindi ko din alam ang sagot sa tanong niya. Ewan ko ba, parang ang tagal nang magka-kilala ni Papa at ni Frank

Kasi nung unang beses na pumunta siya sa bahay, pina-salo pa siya ni Papa na mag-almusal kasama kami at naka-ilang ulit pa siyang nakabalik sa bahay, samantalang si Aaron katakot-takot na interview pa ang inabot kay Papa bago makatungtong sa bahay noon. He even called my Dad 'Tito'

"Baka nagpapa-good shot na yan sa Papa mo ah? Aba, hindi ata ako makakapayag! Ako kaya ang nanliligaw sayo at hindi siya!"

Napatawa na lang ako ng mahina. Ang OA pala nito Lance kapag nagseselos, cute na OA

"Oh anong nakakatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" tanong niya

"Wala naman, nakakatawa ka kasi" sagot ko naman

"Bakit? Mukha ba akong clown para pagtawanan mo? Seryoso ako dito!"

"Teka lang, linya ko ata yun ah?"

Then we both laughed. Para kaming sira ditong dalawa sa loob ng kotse niya.

Nung humupa ang tawanan namin, bigla naman siyang sumeryoso

"Oh ano na namang problema mo at ganyan ang mukha mo?" tanong ko sa kanya

"It looks like that he really likes you" seryoso niyang sabi sa akin

Tinignan ko lang siya nung sabihin niya ito

"Pano mo naman nasabi?" tanong ko

"It's obvious Nielle. I know if a guy likes someone. I can see it through his actions, and honestly? It's really bothering. Kasi parang anytime, pwede ko siyang maging kaagaw sa'yo"

Pinagseselosan talaga niya si Frank?

Frank is really nice. He's there whenever I needed someone to talk to at akala mo siya ang tatay ko na bantay ng bantay sa akin. He's kinda weird sometimes but he's really fun to be with, tho there's nothing really special going on between the two of us

"He's really a good friend, Lance" I assured him at nakatitig lang siya sa akin "eyes on the road please?" nakangiti kong sabi ko sa kanya

Ngumiti lang din siya sa akin at ibinalik na niya ang tingin sa daan

Ang lakas naman maka-gwapo ng ngiti niyang yon!

Shet!

Bakit ba ganito ang ngiti ng isang ito

***

Kasalukuyan pa din kaming bumabiyahe kung saan daw kami magdi-dinner.

Ang dami naman kasing pakulo nitong si Frank eh. Nang lumiko yung kotse niya sa isang restaurant, sinundan naman namin ito ni Lance

"Parang familiar sa akin itong restaurant na 'to" sabi ni Lance sa akin

"Talaga?" tanong ko naman

"Yeah. I think I've been here before"

Nakita naman naming inihinto na ni Frank ang sasakyan niya, sumunod naman si Lance at ipinark niya naman ang kanya

Bumaba si Lance ng driver's seat atsaka ako pinagbuksan ng pinto

"Thank you" sabi ko pagbaba ko

Pagkababa ni Junjun sa kotse ni Frank ay agad itong tumakbo papunta sa akin

A Girl's Vengeance?Where stories live. Discover now