Chapter 14

189 5 0
                                    

Nielle's POV

Bwisit! Bwisit talaga yung Del Valle na yun! Wala na siyang ibang ginawa kundi ang asarin at painitin ang ulo ko!

"Uh? Nielle? Okay ka lang?" sabi ni Frank

Oo nga pala, kasama ko pala siya. Kakain lang kami sa labas. Sorry treat ko para sa kanya dahil sa pinagbintangan ko siya

"Ah, oo naman okay lang ako" sagot ko

"Sure ka? Pero, ahm.. bakit gusto mo ako makausap?"

"Saan mo gusto kumain?" tanong ko sa kanya. Hindi ko nalang pinansin yung tanong niya

"Hah?"

"Sabi ko, saan mo gusto kumain?"

"Ililibre mo ako? Nako, nakakahiya"

"Saan nga kasi?"

"Kahit saan. Okay lang naman sa kahit saan eh"

"Bwisit..." I frowned. Saang lugar yung KAHIT SAAN?!

"Hah???"

"Kapag may nakita kang restaurant na 'Kahit Saan' sabihin mo sa akin ah? Doon tayo kakain!!" irita kong sabi sa kanya

"Wala namang ganung lugar eh"

"Kaya nga mag-decide ka kung saan mo gusto kumain!"

Haaay. Maldita mode, ON. Ang tino nitong kausap promise -.-

"Saan mo ba gusto?"

"Ikaw nga tinatanong ko diba? Saan ba kasi?!"

"Easy lang! Sabi ko naman sayo huwag palaging seryoso tsaka naka-simangot eh"

"Mag-decide ka na kasi!!"

"Oo eto na. Sige na, sa Banzai nalang. Okay lang ba?"

"Kung kanina mo pa sinabi yan edi sana kanina pa tayo on the way dun!"

Inis kong sabi tsaka naglakad papuntang waiting shed para mag-abang ng taxi

Sa MOA sa may bandang seaside pa kasi yung Banzai na sinasabi niya. Eh sa nasa Makati yung office namin

"Baka gusto mong bil–" Paglingon ko, hindi ko na kasunod si Frank. Nasaan na yun?

Hinanap ko pa siya. Bumalik ako papuntang office pero wala siya. Nakakainis! Ano ba yung lalaking yun!!! Uuwi nalang ako! Sukat akalain ba namang iwan ako?! Ililibre ko na nga siya ng dinner siya pa tong aayaw?!

*peep!!!-peep!!!*

"Ay!!" nagulat ako sa nagbusina ng motor sa likod ko

"Sorry. Suotin mo to Nielle" si Frank pala, sabay abot niya sa akin ng helmet. Sinamaan ko ito ng tingin

"Sana naman nagsabi ka muna kung saang lupalop ka nagpupunta diba?! Hindi yung pinababalik-balik mo ako kakahanap sayo!"

"Sorry na po. Sakay ka na" sabi lang niya sa akin ng nakangiti

Buti nalang naka-slacks ako ngayon at hindi pencil skirt ang suot kong pang-ibaba dahil kung hindi, hindi niya ko mapapasakay sa gwapo niyang motorbike

Sinuot ko na yung black helmet na iniabot niya sa akin tsaka sumakay sa gwapong-gwapo niyang Ducati

Rich kid ata itong si Frank eh. Hahaha. Well, infairness naman kasi sa itsura niya...Gwapo siya, makinis, matangkad at gentleman pa

"Okay ka na? Comfortable ka na ba?"

"Ahh.. Oo"

Ayoko yumakap sa bewang niya shemaaaay. Nakakailang kaya

A Girl's Vengeance?Onde histórias criam vida. Descubra agora