Nielle’s POV
“Ate… Ate…” dinig kong sabi ni Junjun
“Hmmmm???”
“Ate… Ate Nielle….” Sabi ulit nito tapos niyuyugyog pa ako
“Bakit ba Junjun???”
Minulat ko ang isa akong mata para tignan siya. Nakita ko na ngiting-ngiti ang kapatid ko at hindi man lang nito sinasagot ang tanong ko
“Tsk..” tinalikuran ko siya at nagtalukbong ng kumot
“Ate, bumangon ka naaaaaa”
“…………….”
“Ateeeeeeeee, bagon na kaseeeeeee!”
“5 minutes pa”
“Ate, bangon na kasi! Kanina ka pa hinihintay ng sundo mo sa baba!”
Napamulat ako ng mata
“Ano? Anong sundo?”
“Ate, kanina ka pa hinihintay ni Kuya Frank sa baba!”
“ANO?!! Anong ginagawa nun dito?”
Halos bumalikwas ako sa narinig ko
Si Frank?
Nandito?
Sa bahay?!
Nang ganitong oras?!
“Hindi ko po alam. Basta ang sabi po niya sa amin ni Papa, susunduin ka niya. Kaya bumaba na tayo Ate at nang makakain na ako. Gutom na po ako eh, ikaw nalang po kasi ang hinihintay”
“Osige na, mauna na kayo susunod na lang akong bumaba” medyo irita kong sabi sa kanya
Dumiretso na akong CR ng kwarto ko at nagmumog at naghilamos
Ano ba kasi ginagawa nung lalaking yun dito sa bahay?! Ang aga-aga eh! Alam ba niyang inistorbo niya ang tulog ko?! Azaaar -.-
Lumabas na ako ng CR ko at dumiretso na ng dining area namin sa baba. Doon, nakita ko sila Papa, Junjun at si Frank na kumakain na
“Good morning” sabi ko lang sa kanila
“Good morning Nielle” sabi ni Frank ng nakangiti sa akin
“Morning” sagot ko naman
Pisting lalaking ito oh! Hindi na nga niya ako pinatulog kagabi dahil sa pesteng simpleng note na ginawa niya dun sa cheque ko tapos nandito siya ngayon sa bahay at binulabog pati paggising ko -.- Nakakarami na ang isang ito ah
“Oh anak, nandiyan ka na pala. Halika na at sabayan mo na kami nitong kapatid mo at nitong kaibigan mo”
Hindi na ako sumagot at umupo na ako sa puwesto ko. Katapat ko si Junjun at katabi nito si Frank.
Ang kapatid ko naman napakalawak ng ngiti sa mukha niya
“Junjun? May sapak ka ba? Kanina ka pa ngiting-ngiti ah?”
“Wala naman Ate. Hihihihi” sabay ikot ng mata niya kay Frank tapos tumingin siya sa akin ng nakakaloko
Itong batang ito! Alam ko na iniisip nito eh!!
“Hoy! Tumigil-tigil ka diyan Junjun ah! Wala kang pasalubong sa akin mamaya!”
“Wala naman akong ginagawa Ate Nielle ah? Papa oh si Ate nagsusungit na naman” sumbong niya kay Papa
“Kayong dalawa tumigil kayo ah? Nakakahiya kay Frank. Hijo, kumain ka lang hah? Huwag kang mahiya” sabi ni Papa kay Frank
“Ay oo naman po Mr. Caballero. Busog na nga po ako eh” tinignan ko lang ito
YOU ARE READING
A Girl's Vengeance?
RomanceDanielle Ellise Caballero lived a perfect life. Actually, she has nothing to wish for. She's contented on what she have. Until one day, their family was left by her Mother. She disappeared just like a popped bubble and Nielle hated her mother for th...