Chapter 29

127 5 1
                                    

Frank's POV

Its lunch break at napagdesisyunan namin ni Hannah na maiwan nalang dito sa pantry para mag-lunch at para mapakita ko na din sa kanya yung mga pictures ni Nielle na binigay ni Chief

Siniguro naming wala nang iba pang natira sa office

"Oh ano na ba yung balita?"

"Here.." inilapag ko ang pictures ni Nielle sa table

"Uhh? What's with that? You stalk her now? Di ka pa nakukuntento na araw-araw kayong nagkikita?"

"Sira! Umayos ka nga! Look closely. Im not the one who's stalking but this girl" sabi ko sa kanya habang tinuturo ko yung babae sa picture

Tinignan naman niya yung mga pictures, kulang nalang eh masubsob yung mukha niya

Biglang naging seryoso yung mukha ni Hannah

"What's the matter? Do you know her?" tanong ko sa kanya

"Are you serious?! Hindi mo ba nahalata nung una pa lang?! Aren't you aware?!"

"Take it easy! Ano ba kasi yun?"

"Fuck no! No! No!" napatayo si Hannah at halatang alalang-alala ito

"Hindi ko alam kung investigator ka ba talaga eh. Cant you see her fucking hat?!! Its a woman Mafia hat! Fuck! They've found her!" sigaw niyang sabi

Nanigas ako sa pagkakaupo sa sinabi ni Hannah

How come I didnt think about that hat? She's right. It is a woman Mafia hat. Kung nahanap na nila si Nielle, I failed. I failed to keep her safe

"A-are you sure?"

"Of course I'm sure! Hindi ko hahayaan na mahawakan nila si Nielle. She needs to be safe!"

*tok-tok-tok*

Pareho kaming naalarma ni Hannah ng may kumatok sa pinto ng pantry. Kaya naman binuksan yun ni Hannah

"Uhh. May problema ba guys? Nagsisigawan kasi kayo eh"

"A-anong ginagawa mo dito Sheena? Kanina ka pa diyan? Diba sabi mo sa labas kayo magla-lunch? Nasaan si Nielle?" sunod-sunod na tanong ni Hannah kay Sheena

"Kasama niya si Sir Lance eh. Bumalik lang ako dito kasi may nagbigay sa akin nito sa labas ng office, ipinapabigay sayo Frank. Baka kasi mag-half day lang ako ngayon. Baka pagkatapos ng lunch umuwi na ako, may emergency sa bahay. Mamaya hindi ko pa maibigay sayo eh" ipinakita niya sa amin ang isang black na envelope at iniabot sa akin

"Ah. S-sige. Salamat Sheena. Teka, sino daw ba nagpapabigay?" tanong ko

"Hindi ko kilala eh. Babae siya, siguro mga nasa 40's na. Ang weird nga niya eh. Naka black siya na fedora hat tapos may kung anong design dun sa linings nung hat, ngayon nga lang ako nakakita nun e. Tapos may balabal syang suot tsaka shades. Ewan ko ba dun"

Nagkatinginan kami ni Hannah. Shit, ito na, nagsisimula na ang mga Raymundo

"Teka? May nasabi ba ako?"

"H-ha? A-ah wala!"

"Weird din kayo eh noh? Ay wait! Dito lang talaga kayo kakain? Di kayo sasama sa amin kumain sa labas? Tara dun sa Kahit Saan. Sa may banchetto sa park!"

"Hindi na. Okay na kami dito ni Frank" sagot naman ni Hannah

"Okay. Una na ako ah? Bye!"

"Sige! Ingat!"

Pinalabas muna namin si Sheena ng office. Nagkatinginan kami

"They're starting. They really have found her" sabi ko sa kanya

A Girl's Vengeance?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin