34 ✖ Heat

448 18 0
                                    

Heat

"The Death Adders, Vile Slithers, the Blades, Chandron Eaters, the Blood Sinisters and the Fury Spies.. All on these screens.. moving and alive. At eto tayo pinapanood sila." Tuwang tuwang sabi ni Rush at nag-highfive sila ni Sage. Tigdadalawa nga ang mga grupo mula sa tatlong organisasyon at isang halo which are the solo assassins.

I moved closer to the screens at pinagmasdan ang mga ginagawa nila sa kasalukuyan. Una akong nagfocus sa DA dahil curious ako sa progress nila and how were they doing. Naramdaman ko naman ang presensya ni Shadow sa tabi ko. I know she's looking at his brother. Kaya naman napatingin rin ako.

"They're at the North West part at nasa pang-ikasiyam na station na nila sila habang tayo ay katatapos lang sa ating pangwalo. They're fast. But I know we can beat them." Sabi ni Shadow.

Nakita ko mula sa screen na nakatingala sina Rage at Grim sa isang mataas na puno. Sina Rouge at Deviant naman ay nag-uusap at mukhang binabahagi ni Rouge ang ideya niya kay Deviant.

"Of course. Now na alam na natin ang lokasyon nila, we can secretly jeopardize them. May bombs pa tayo kaya pwede natin kunin ang ibang supplies nila at main flag." Sabi ni Sage sabay ngisi. Nasa West kasi kami at madali lang namin silang matutunton if we want.

"Nasa North East ang Fury Spies, Sinisters sa South, the Blades sa South West na medyo malapit saatin.. nasa East na ang Vile Slithers while the Chandron Eaters .." Rush cut Sage off.

"Nasa malapit sa Blades on the South West part also. Ambush attack tayo!"

"Sa DA! Mauunahan na nila tayo oh." Sabi ni Sage.

"Don't forget the Blades. Malapit na rin sila sa pangsiyam nila while we're still here.. just observing." Bored na sabi ni Shadow. Umalis naman si Sage at may nilapitan sa tabi ng projector at may binuksan.

"Oh, what's this?" Tanong niya.

Lumapit kami sa kanya dahil sa kuryosidad. She might've found something. Ng makalapit na ako, I saw a control panel apparatus na may maraming buttons at isang pahabang screen na 24-inch.

"What are these buttons for?" Tanong ni Rush na may bahid na pagkamangha. May mga icons naman ito but some are vague to be recognized. Ang naiintindihan ko lang ay yung parang sumabog.

"Touchscreen siya oh but these buttons, specially made siya. Siguro may purpose talaga 'to. Wait, Subukan ko lang makapasok sa program." Ani Sage at saka siya nagpipindot sa touchscreen. Agad namin nakita ang David Star symbol at hindi ko na masundan ang mga lumabas dahil sa bilis ng pagtap ni Sage. Few seconds later, tumigil na rin siya na may ngiti sa mga labi.

"And.. I'm... Done!" She pressed the OK button sa screen at nagsilabasan ang ilang options na translated na ngayon. Mangha naming tiningnan iyon at binasa.

"Traps! They're traps!" Sabi ni Rush. Traps nga ay pwede mong iset kung saan mangyayari. Like the bombs, the nets, the holes and so on.

"Uh-huh. Kailangan lang iset ang exact location, bearing, altitude, angle and so on then poof! Sorry group, but you've just been pranked." Sabay tawa ni Sage.

"Let's try it then!" Tumango si Sage kay Rush. Nanood lang kami ni Shadow sa kung anong gagawin ng dalawa.

Sinubukan nila ang hologram sa DA na ngayo'y umaakyat na ng malaki at matayog na puno. Nandoon kasi ang container sa itaas kaya nag-aala Tarzan sila. Pinindot ni Sage ang button at may lumabas na white lady sa gilid ni Lhenard kaya nanlaki ang mga mata nito sa gulat ng nakita at naoutbalance making him fall flat on his butt. Napadaing siya sa sakit ang napahipo sa puwet niya. Buti nalang at hindi pa gaanong kataas ang naaakyat niya. Tsk, mga pasaway talaga ang dalawang 'to. Paano nalang kung mataas na ang naakyat ng tao?

The Mystique Four (Revamping/SLOW Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon