Chapter 4 *The Day*

16.3K 624 11
                                    

Chapter 4 *The Day*

[Eunice POV]

Papunta kami ngayon sa school. Hinihintay namin yung mga HELL.

"Girls, andyan ang mga HELL." Bulong sa amin ni Abby.

"Magsiayos na tayo." Bulong din ni Juls.

Gaya ng sabi niya, nag-siayos na kami. Ready na kami para sa isang napakagandang show. 

Nung dumaan na yung mga HELL, tinisod ni Abby si James tapos pasimpleng naglaglag ng note si Abby. Nagtawanan naman yung mga nakakita kaya namula sa galit si James. Pasimple naman kaming naglakad palayo.

"Who the hell do that?!" Sigaw ni Nathan

"Kami, bakit?" Sigaw ko pabalik.

"Aaaaarrrrrggghhh! Nakakainis na kayo ha!" Sigaw ni Nathan. Susugod sana siya kaso tumigil siya kasi nagsalita ako.

"Sabi ng teacher ko nung elementary pa kami, pag pinahiya ka 'wag kang manununtok o susugod. Alam mo kung anong tawag diyan? Asar talo. Aalis na kami. May nahulog palang papel sa ilalim ni James oh." Sabi ko sabay turo sa ilalim ni James. Pinulot naman ni Nathan yung papel sa ilalim ni James. Nagbago naman yumg face expression ni Nathan. Nanlaki yung mata niya at...

"Ano 'to?! Panana------" Naputol yung sasabihin ni Nathan. Rinig pa namin yung sigaw niya pero naputol kasi hindi niya napansin na nakaalis na kami. Pumunta na kami sa room para gawin ang pangalawang paghihirap nila.


[Xian's POV]

Papasok na kaming apat ng natisod si James. Nagtawanan naman yung mga nakakita kaya namula sa galit si James. Tinulungan naman namin si James. Hindi na nakapagpigil si Than kaya sumigaw na siya.

"Who the hell do that?!" Sigaw ni Nathan. Uh-oh, galit na siya.

"Kami, bakit?" Sigaw pabalik ni Eunice. So sila pala yung nagtisod kay James. Psh, mga babae talaga.

"Aaaaarrrrrggghhh! Nakakainis na kayo ha!" sigaw ni Nathan.. Uh-oh, susugod na si Nathan. Baka nakalimutan na niyang babae 'yung kalaban niya.

Hindi naman niya natuloy yung pagsugod niya kay Eunice kasi bigla nalang ito nagsalita.

"Sabi ng teacher ko nung elementary pa kami, pag pinahiya ka 'wag kang manununtok o susugod. Alam mo kung anong tawag diyan? Asar talo. Aalis na kami. May nahulog palang papel sa ilalim ni James oh." Sabi ni Eunice

Pinulot naman ni Nathan yun. Nagbago naman yung face expression niya. Nagsimula sa malaking mata papunta sa galit na mata.

"ANO TO?! PANAN------ " Naputol yung sasabihin niya kasi di niya namalayan na wala na pala siyang kausap.

Pinasa naman ni Nathan yung note sa amin.

Dear HELL,

Hi there boys! Cute pa naman sana kayo kaso lang ang ba-bad niyo. Look, kung ayaw niyo magka something ang face niyo watch your steps. Remember, kami ang no. 1 rival niyo, so pagbutihin.

- F4 -

Hindi nalang namin pinansin yung note nila at pumunta na ng room.

Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa loob ng room bigla nalang kami nagulat. Pero ang mas nagulat ay si Megz.

Ang ginawa lang naman nila ay nilagyan ng cake sa mukha si Megz ni Yoomi. Ganto kasi yun, nagtago sa likod ng pintuan si Yoomi. Tapos sakto ng pagkapasok namin ay lumabas rin si Yoomi edi nagkasalubungan sila. Sinadya namang banggain ni Yoomi balikat si Megz.

Inayos na muna namin yung mukha ni Megz. Pagkaupo namin gumawa na kami ng plano para makapaghiganti sa ginawa ng F4 na yan.

------------------

A/N

Edited! Hindi na siya masakit sa mata.

SOCIAL MEDIA ACCOUNTS:

Facebook: Sandy WP (Add)

Twitter: @isangasong_wp (Follow)

Instagram: @dyxsxng (Follow)

Edited: April 10, 2017

- iSANGaSong

Girls Vs Boys[ Fabulous 4 Vs HELL ]  [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang