Chapter 13 *Announcement*

16.7K 544 12
                                    

Chapter 13 *Announcement*



[Juls' POV]

"Good morning Mommy!" Bati sa akin ni Kayden.

"Good morning, baby! Nag almusal ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa po." Sagot ni Kayden.

"Halika. Kain na tayo. Gising na ba yung iba?" Tanong ko sa kanya habang tinutulungan siyang makabangon sa kama.

"Hindi pa po.."

"Ahh.. Sige, baba na tayo." Yaya ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa kamay at naglakad na.

Bumaba na kami at nakita naming naghahain ng pagkain ang mga HELL.

"Oh? Anong meron?" Gulat na tanong ko. Kakagulat ah. May himala na bang nangyayari?

"ALMUSAL." Sabay sabay na sagot ng HELL. Kailangan sabay sabay?

"Wow ha! Nag-improve! HUWAW!" Pang-aasar ko

"Syempre! Para sa mga bata!" - Xian

Bigla namang bumaba sila Yoomi kasama yung mga kids.

"Okay! Nakahanda na ang almusal!" Masiglang sabi ni Yoomi

"Bilisan niyo mga kids! Movie marathon tayo pagkatapos niyo maligo!" Sabi ni Megz.

"Yeeheeey!" Excited na sigaw ng mga bata at umupo na para kumain.







[Third Person's POV]

Pagkatapos kumain ni Eunice niyaya niya si Chrysella na maligo.

"Oh! Ligo ka na Chrysella!"

"Okay! Gusto ko kayong dalawa ni Daddy magpapaligo sa akin ha!" Nakangiting sabi ni Chrysella.

Bigla namang nahiya si Nathan, "Ahh.. Eehh.. Pwede si Daddy nalang?"

"Okay!" Nakangiting sagot parin ni Chrysella.

After 45 mins natapos na ang mga kids maligo.

"Okay! Movie Marathon!" Sabi ni Megz

"Yeheeey!"







[Juls' POV]

Habang nasa kalagitnaan kami ng palabas biglang nag ring yung telephone ng bahay.

Since walang gustong sagutin yung phone ako nalang yung tumayo.

"Hello. F4 residence. Sino po sila?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Hello. Principal niyo to." Ay sus, si Ma'am lang pala.

"Ay, Ma'am! Napatawag po kayo?" Kunyari masigla pero deep inside ang sarap babaan ng tawag! Ang ganda na ng palabas, oh!

"Pumunta kayo ng 3:00 dito sa office ko with the kids."

Ano?! "Eeehh Ma'am..."

"I mean, 12:30 kase may meeting pala ako." Ay nako, mas lalong napaaga!

Napabuntong hininga nalang ako, "Okay po Ma'am."

Binaba ko na yung telephone

Tinignan ko yung wall clock namin, 11:45 na.

"Oh. sino yun?" Tanong sa akin ni Yoomi.

"Ah, Si Miss Principal. Pumunta daw tayo sa office mamayang 12:00." Sagot ko at bumalik sa pwesto ko.

"Bakit daw?" Tanong naman ni Abby.

"Hindi ko alam eh! Pagkatapos na movie ligo na tayo." Sabi ko nalang.

Girls Vs Boys[ Fabulous 4 Vs HELL ]  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon