Chapter 17 *Again?*

12.4K 460 6
                                    

Chapter 17 *Again?*

[Abby's POV]

Hi everyone! Missed me? Miss ko na rin po kayo!

Nandito kami ngayon sa kwarto namin. Nagtipon tipon kami.

"Guys, matagal na nating hindi nakakaaway ang HELL ha? Parang mga na-fafall na kayo sa kanila ah?" Tanong ni Juls sa amin.

Oo nga no? Pansin ko rin kasi eh.

"Hmm. Want to do it again? Wala naman yung mga kids eh." Suhestiyon ni Yoomi.

Nagkatinginan kaming lahat then smirk.



Third Person's POV

At nagsimula na nga ang pinaplano nila.

Nasa canteen si Yoomi and Megz. Habang nakapila sila for food.

Nanlaki mga mata ni Megz dahil sa gulat.

Sinadyang tinapon ni Yoomi yung pagkain niya pagkatapos na niyang binili.

"Ayy, sorry.. Pfft.." Paumanhin ni Yoomi habang pinipilit na hindi matawa.




Nasa soccerfield si Abby and James ngayon. Naglalaro sila ng soccer ng biglang.

"What the hell?!" Gulat na sabi ni James.

Biglang tumama yung soccer ball na may putik sa white t-shirt ni James. Oh kung anong lupit nga naman oh! Isip ni James

Napakagat naman ng labi si Abby para pigilan ang tawa, "Sorry. Pfft.." - Abby


Naiwan sa room si Eunice and Nathan kasama yung teacher nila sa English subject sa hindi malamang dahilan.

Habang nagsusulat sila, namali ni Eunice yung sulat tapos punit tapos tapon kay Nathan. Naisip naman ni Eunice yung tungkol sa pinagusapan nilang F4 kagabi kaya inulit ulit lang niya yun. Sulat. Punit. Tapon and so on.

Nairita naman si Nathan kasi palagi nalang siyang binabatuhan, "Urghh. Sino ba yon?!"

"Mr. Lee, anything wrong?" Taas kilay na tanong ni Miss Cherry.

Nanlaki naman mata ni Nathan, "Uhmmm... Nothing Ma'am."

Tumingin naman si Nathan kay Eunice at nagtatanong kung ano yun o sino yun.

Nagkibit balikat naman si Eunice at nagpainosente look.

Nung bumalik na yung tingin ni Nathan, ginawa na ulit ni Eunice. Sulat. Punit. Tapon



Naglalakad ng sabay si Juls at Xian sa Hallway ng..

"Ouch.." Daing ni Xian.

Pasimpleng tinisod ni Juls si Xian.

Nagsitawanan naman lahat ng nakakita pati si Juls na palihim tumatawa.





"Hahaha! Girls! success!" Natutuwang sabi ni Yoomi.

"Hahahaha! Magdiwang!" Sabi din ni Abby.


"Urgh! Nakakainis yung nangyari sakin! Natapunan ba naman ako ng pagkain ni Yoomi!" Badtrip na sabi ni Megz.

"Ako nga sinipa ng bola. Yung may putik pa! Yan tuloy ang dumi ng damit ko!" Reklamo din ni James.

"Akin nga eh tinisod ako ni Juls eh! Ewan ko kung sinadya niya ba o hindi. Napahiya talaga ako sa mga chickas ko! Kainis!" Sabi din ni Xian.

"Chickas talaga?"

"Ha? Oo! Teka nga, ano bang pake niyo ha? Ikaw Nathan, ano nangyari sayo?" Tanong ni Xian kay Nathan.

"Binabato lang naman ng papel. Hayy..." Tila pagod na sabi ni Nathan.

"Sino?" Sabay sabay na sabi nilang tatlo at pumalibot kay Nathan.

"Si Eunice. Hayy.." Buntong hinninga ni Nathan.

"Oh, bakit malungkot ka? May gusto ka na sa kanya no?" Tanong ni Xian.

"Tsk tsk tsk. Nako, bawal yan." Iling iling naman na sabi ni James.

Agad namang umiwas si Nathan, "Ha? H-hindi ah! Ano ba pinagsasasabi niyo? Close na kasi kami tapos magiging ganyan sya. Hayy!"

"Hindi bale pre, babawi tayo sa kanila." Sabi ni Megz sabay tap ng shoulder ni Nathan.

"So, simulan natin bukas. Ano?" Tanong ni Xian.

"Game?" Tanong din ni James.

"Game!"

ISANGASONG
Edited: March 12, 2018

Girls Vs Boys[ Fabulous 4 Vs HELL ]  [COMPLETE]Where stories live. Discover now