Chapter 10 *Battle 2*

16K 549 28
                                    

Chapter 10 *Battle 2*

[Eunice's POV]


Kakatapos lang ng last subject namin at eto kami ngayon, nagaayos ng gamit.

Si Abby nagaayos ng mukha.

Si Juls naghahanap ng kung anong bagay sa kanyang cap.

Si Yoomi naman kanina pang hindi namamansin. Ano kayang nangyari? Alam niyo ba?

"Girls, diba may laban pa tayo kanila Xian?" Tanong ko sa kanila. Baka kasi nakalimutan na nila eh.

"Hala! Ngayon na pala yun? May laban kasi ako eh!" Sagot naman ni Juls. May sarili kasing gang group at siya yung leader. Pero walang lalaki. Puro babae lang yung gang group nila.

"Hay Juls. Kailan ka ba kasi magkuquit dyan sa grupo mo?" Tanong ni Abby. Totoo naman eh. Simula first year palang kami may gang group na siya.

"Ewan ko rin eh. Hayaan niyo na! Magkuquit rin ako balang araw." Sagot nalang ni Juls.

"Kailan yung balang araw?" Tanong ulit Abby.

"Ewan ko rin eh. Haha!"  Tumawa nalang si Juls kaya nagtawanan naman kami. Well exept kay Yoomi. Mamaya nga makausap 'yan.

"Oy! Baka malate tayo sa battle. Halina" Yaya ko. Lumabas na kami ng room. Kami nalang kasi yung natitira sa loob eh. Yung iba umuwi na. At yung iba naman nasa likod na ng room.



"Andyan na ang F4!" May sumigaw namang isang lalaki kaya napatingin silang lahat samin.

"Hay salamat at andito na kayo. Alam niyo bang ang tagal niyo?" Inip na sabi ni Xian.

"Alam namin. Bakit ba kasi kailangan pang pumunta dito? Na cancel tuloy yung laban sa gang." Naiinis na sabi ni Juls.

"So may iba ka pang pupuntahan bukod dito? At ano yun? Laban ng Gang? Gangster ka pala?" Sabi ni Xian.

"Ano bang pake mo? Baka gusto mong bangasan ko yang mukha mo." Mataray na sagot ni Juls.

"Okay. So andito narin kayo, may ipapakilala ako sa inyo." Sabi ni Xian.

Pumasok naman si Niko. Anong ginagawa niya dito?

"Niko?" Sabi naming tatlo ng sabay sabay. Si Yoomi naman nanlaki lang ng mata.

"Kilala niyo siya?" Tanong ni James sa amin.

"Ay hindi. Actually di namin siya kilala kaya nga tinawag namin. Malamang kilala namin!" Pamimilosopo ni Abby.

"Tama na ang away. Siya nga pala ang ating magiging judge. Miriniko or Niko." Pakilala ni Xian.

"Dami mong satsat! Bilisan na! Baka sakaling makaabot pa ako sa laban!" Nagmamadaling sabi ni Juls.

"Juls!" Saway namin kay Juls. Sabi ng sa susunod na ang laban eh! Ang kulit!

"Kaya nga! Sabi ko sa ibang araw na! Ano ba sabi ko?" Haha! Nakakatawa yung mukha ni Juls! Parang natataeng ewan. Haha!

"Okay na! Bilis na Nathan!"

"Okay. Nakakita ka na ba ng impakto?" Banat ni Nathan. Nag bakit naman yung mga nanonood.

"Kung 'di pa, tingin ka sa salamin." Nag oooh! naman yung mga nanood.

"Totoo pala ang multo no?" Banat ko. Nag bakit naman yung mga nanonood.

"Simula kasi nung nakita kita naniwala nako." Nag ouch naman nanonood

"Mukha kang ice cream." Banat ni Xian. Nag bakit naman yung mga nanonood.

Girls Vs Boys[ Fabulous 4 Vs HELL ]  [COMPLETE]Where stories live. Discover now