Chapter 1 >>>> Sirena??

101K 1.6K 95
                                    

"Ay nako hija! Pakituruan mo nga papaano maging isang tunay na lalaki tong anak kong to ha?" Sabi ni Tita Veronica, ang mama ng bestfriend kong si Marlon. Nandito kami sa mansyon nila bestfriend dahil birthday ng mama niya. 

"Ma! Never akong magiging straight!" Maktol naman na singit ni bestfriend

"Hoy Marlon Justine! Magtigil-tigil ka ha!Baka gusto mong isumbong kita sa papa mo!" Banta naman ni Tita Veronica, wala ngayon ang papa ni MJ (Nickname ni Bestfriend) dahil nasa U.S ito at inaasikaso ang mga business nila doon kasama na din ang mga naiwang business ni papa, Si papa at si Tito Julio ay matalik na magkaibigan at magkasosyo sa negosyo kaya naman siya muna ang nagtake over ng ibang business namin nung mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Si MJ naman ay kaibigan ko na mula nung mga bata pa kami. Well, ayos lang naman siya nung bata kami nagstart lang siyang maging bading nung naghighschool na kami. Ewan ko ba dun! Binawasan niya pa ang mga gwapong lalaki sa mundo!

"Marlon Justine?! Yuck! Ew! Kadirs! Ma naman! I'm Marla Juliet! Stop calling me Marlon Justine. And I bet hindi mo ko kayang isumbong kay papa" Maarteng sabi ni MJ with matching pilantik pa ng mga daliri niya, Ang arteng bakla!

"Wag mo kong subukan!" Sigaw naman ni Tita, kahit na aburidong aburido si tita kay MJ ay makikita mo pa rin na mahal na mahal niya ang kaisa-isa niyang anak.

  

"We have to go Ma, Kailangan pa namin magayos sa condo you know" Sabi naman ni MJ  "Happy Birthday! I love you" Dagdag pa nito at halik sa pisngi ni Tita

"Okay okay, magingat kayo" Sabi naman ni tita. Lumapit naman ako para halikan din sa pisngi si tita

"Thank you tita, Happy birthday po ulit. Take care too" Sabi ko naman at nginitian ako ng pagkatamis tamis. Sumakay na kami sa sasakyan ni MJ at umalis na sa mansyon nila

"Bakla, where to go?" Tanong ni MJ sakin habang nagmamaneho

"Gaga! Akala ko ba uuwi na tayo?" Sabi ko naman

"Gaga ka din! Alam ko ugali mong bruha ka! Lam ko naman na gusto mong dumiretso sa club ngayon" Sagot ko naman

"Whatever!" Suko ko, dito lang naman ako sa baklang to nagpapatalo eh, talo kasi ako ng kadakdakan dito, mas madada pa kesa sakin

"See, let's go home first and change our clothes" tili niya. Ay kalandian

Ng makarating na kami sa condo pumasok agad ang bakla kong kaibigan sa kanyang kwarto maghahanap daw siya ng bonggang damit niya. Pumasok na din ako at namili ng susuotin ko. 

Kinuha ko yung red fitted dress ko at sinuot tinernuhan ko na lang ng black stilettos. Wala ako sa mood magparty pinagbigyan ko lang yung baklang yun. Baka kasi sabihin nanaman sakin na inaalburoto ako ng lagnat dahil ayokong gumimik

"Hoy bakla ganda ko noh?" Sabi ni MJ pagpasok sa kwarto ko. Bigla bigla ba namang pumapasok ng hindi kumakatok, ugali na niya yun minsan ng naabutan ako niyan na magbibihis pa lang at minsan maghuhubad pa lang. Napakapasaway netong malanding baklang to eh. Pero kahit ganito yan mahal na mahal ko yan dahil siya lang ang nagiisa kong tunay na kaibigan. Siya lang din naman nakakasabay sa topak ko eh

 "Libre katok! Tsaka asan ang ganda diyan?" Asar ko sa kanya, nakasuot siya ng Penguin Dark green polo shirt na tinernuhan niya ng brown pants tapos nike shoes. Kahit naman bakla to eh hindi niya trip ang pagsuot ng mga damit pangbabae. 

"Gaga! Eto oh, Sirenang sirena dating ko!" Sabi niya tapos umikot pa at nagpose

"Oo sirena nga, gandang pang-ilalim ng dagat!" Asar ko nanaman sa kanya tapos nagpout ang bakla

"Hmp! Ikaw kasi gandang di mo inakala!" Sabi niya sabay labas ng kwarto ko

"Bilisan mo nga diyan wala nako madadatnan na FAFA sa bar eh!" Sigaw niya pa.Hay Kalandian talaga.

Seducing My Gay BestfriendWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu