Chapter 18 >>>> Truth or Dare

59.1K 1.2K 51
                                    

A/N:

Yay! Sana magustuhan niyo tong chapter na to. Minadali pero sana okay. Hihi.

PLEASE VOTE AND COMMENT. Thank you! :)

---------------------------------------------------------------------------------------------

MJ's POV

Badtrip! Kanina pa ako hindi mapakali kasi nasa kwarto si Andrea kasama yung Raphael na yun. Kanina ko pa gustong pasukin yung dalawa at alamin anong ginagawa nila. 

"Chill pre, tingin ko naman wala silang ginagawang masama sa loob" Sabi sakin ni Lance, nahalata atang di ako mapakali at kanina pa ako tingin ng tingin sa pintuan ng kwarto ni Andrea

"Wala akong tiwala dun sa lalake eh" Tapos tumayo na ako at pumunta sa tapat ng pintuan ni Andrea

"Ewan ko sayo pre, feeling ko takot ka lang sa sarili mong multo" Pang-aasar nito tapos lumapit siya sakin at nakinig din

"Tignan mo, mukhang nag-uusap lang naman sila eh. Isipin mo na lang nagjajack en poy sila" Sabi ni nito pagkalipas ng ilang segundong pakikinig.

"Pasukin ko na kaya?" Tanong ko sa kanya, di talaga ako mapakali eh.

"Pare, kung wala kang tiwala dun sa lalaki kay Andrea ka magtiwala. You know her from day one. Wag mo naman masyadong ipahalatang nagseselos ka" Pagkasabi ni Lance ay iniwanan na ako at bumalik sa sala. Sumunod naman ako sa kanya at umupo na din sa sofa, binuksan ko na lang ang TV at nanuod na lang kami habang naghihintay makalabas yung dalawa sa kwarto

Isa't kalahating oras ang lumipas bago lumabas yung dalawa na nagtatawanan pa. Gusot ang damit na suot ni Raphael tapos si Andrea naman e medyo magulo ang buhok. Di ko tuloy maiwasang mag-isip ng hindi maganda

"Tagal nun pre ah" Bulong sakin ni Lance na nang-aasar

"Bru, mauna na daw si Raphael" Sabi ni Andrea. Yeah, mauna na siyang mamatay

Seducing My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now