Chapter 8 >>>> Seduce him STEP TWO.......Failed

71.6K 1.3K 41
                                    

"Oh saan ka galing?" Tanong sakin ni Andrea

"Dyan dyan lang" Sagot ko naman tapos umupo ako sa sofa at pumikit

"Mag-ayos ka ng gamit mo ininvite tayo ni Mrs. Antonio na magstay sa resort niya sa Calatagan tapos para macheck na din  natin yung mga furnitures na babagay sa hotel niya"  Di ko siya pinansin

"Huy bakla" Tawag niya sakin naramdaman kong lumapit siya

"Uy tulog ka ba? Narinig mo ba ako? Mag-ayos ka na kasi ng gamit mo" Kulit niya. Dumilat ako nakita ko ang nakakunot noo pero magandang mukha ni Andrea, sobrang lapit lang sa mukha ko

"Ano na?" Sabi niya, I can feel her warm breath, gusto ko siyang halikan. Damn

"Oo narinig kita" Sabi ko. Tapos ngumiti siya at lumayo na sa akin. Gusto ko siyang hilain pabalik, gusto kong sabihin sa kanya na hindi nako bakla pero takot ako.....Natatakot akong lumayo siya.

ANDREA'sPOV

"Andrea hija! I'm glad you came!" Salubong samin ni Mrs. Antonio sa amin, kararating lang namin dito sa resort niya hindi sana ako pupunta dito dahil marami pang kailangan gawin trabaho pero si Mrs. Antonio ang isa sa mga mabibigat na kliyente ko, at naisip ko rin na para na rin siguro makapag unwind ako from work.

Seducing My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now