Chapter 17 >>>> Make him jealous

59.1K 1K 9
                                    

ANDREA's POV

1 week, 1 hell week. 

Isang linggo na ang nakalipas, isang linggo na kaming hindi nakakapag-usap ng maayos. After nung muntikan ng may nangyari sa amin eh parang may nabuo na kaming kanya-kanyang mundo. Madalas na siyang wala dahil sa pagsama kay Lance sa mga photoshoots nito at ako naman palaging busy sa trabaho. Mag-uusap man kami ni MJ eh "Hi", "Goodnight" at kadalasan "Bye" lang ang sinasabi namin sa isa't-isa. Hindi na ako mapakali, minsan nga nakakaramdam na ako ng selos kay Lance eh. Laging siya na lang ang kasama at kausap ni MJ. 

"Andrea, pumunta tayo dito para magsaya hindi para magmukmok ka lang diyan" Tawag pansin sakin ni Shazia, isa sa mga naging kaibigan ko nung nagpunta sa states si MJ. Andito kaming dalawa ngayon sa bar, inaya niya para daw makapag'unwind muna ako sa trabaho ko dahil mukha daw akong stressed na stressed.

"Huy girl ano ba, tara sayaw tayo. Tubuan ka diyan ng ugat sige ka" Aya niya sakin, actually medyo nasa mood na akong sumayaw dahil na rin siguro may konting tama na ako, kanina pa kasi ako umiinom eh.

"Tara na nga" Sabi ko tapos tumayo na ako at sabay na kaming pumunta sa dance floor. Sayaw lang ako ng sayaw, walang pake sa nasa paligid ko. Matagal-tagal na rin nung huli akong nakapag'unwind ng ganito.  I really should thank Shazia, medyo narelieve na yung stress ko.

"Hi Andrea" Tawag sakin nung lalaking kakalapit pa lang sakin, I know him. I think, but I can't even remember his name... but wait...

"Raphael, right?" Sabi ko naman sa kanya at kumawit ang dalawa kong kamay sa leeg niya sabay ng paghawak niya sa bewang ko

"Wow, naalala mo pa pala ako" manghang sabi nito

"Ikaw nga diyan naalala mo pa ako eh" nakangiting sabi ko sa kanya.Siya yung lalaking nakilala ko sa bar dati, yung sinabihan ni bru nun ng address namin dahil daw he can't resist Raphael's charm, yung dumalaw na nagkataon eh 'Red tide' ako.

Seducing My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now