Chapter 6

6.6K 208 11
                                    


Nagising si Liyah kinabukasan na hinahanap ang anak niya. Dala ng kapaguran sa nagdaang gabi ay hindi niya napansin na wala ito sa kanilang kuwarto. Nang tingnan niya ang alarm clock niya ay nabigla siya nang mapansing lagpas alas nuwebe na pala ng umaga.

Bumaba siya sa sala para icheck kung mas naunang bumaba ang si Calvin. Napakatahimik ng kabahayan. Pare-parehong napuyat ang mga tao sa handaang nangyari kagabi. Tanging si Tim lang ang nasa sala at nagbabasa ng daily paper. Halatang kagigising pa lang nito.

"Good morning Tito. Nakita niyo po ba si Calvin?"

Kunot-noong tiningala siya ni Tim La Pierre. "Good morning too, hija. I haven't seen my grandson since last night."

"Ibig niyo pong sabihin ay hindi siya nakitulog sa inyo kagabi? Wala po kasi siya sa kuwarto."

Nagsimula na siyang kinabahan nang mapailing ang matanda. Pati ito ay biglang naging uneasy. Napatayo ito bigla. "Babalik ako sa kuwarto to check him. Baka hindi ko lang napansin kanina."

"Sige po. Tatanungin ko rin si Yaya Ising kung nasa kanya si Calvin."

Agad na pumunta si Liyah sa maids' quarter para tanungin ang mga kasambahay. Mas lalo siyang natakot dahil wala doon ang kanyang anak.

Naligalig ang boung kabahayan. Lahat ng mga taong puyat ay biglang nagising at nakihanap. Pati si Janice La Pierre ay nakihanap at halatang kinakabahan. "Tanungin mo si Kevin Liyah. Baka sakaling nandoon sa silid niya ang apo ko."

Nagulat siya dahil isa iyon sa bilang na beses na kausapin siya ng ginang. But, she did not care about it. Agad siyang umakyat sa taas at kinatok ang kuwarto ni Kevin. Halos sumakit na ang mga knuckles niya sa pagkatok bago binuksan iyon ni Kevin. Bigla itong naging iritado nang mapansing siya ang nasa labas.

"What do you need?"

"Nandiyan ba si Calvin? Wala kasi siya sa boung bahay."

"Hindi ko alam kung bakit sa akin mo hinahanap ang iyong anak. Halos ayaw mo ngang palapitin sa akin ang bata. Sorry Liyah pero wala dito ang hinahanap mo." Agad  nitong isinara ang pintuan. Marahas siyang tumalikod at bumalik sa sala. Pagkatapos iparating sa mga tao doon na wala kay Kevin ang anak ay nagmamadali siyang lumabas ng bahay habang tinatawag ang anak.

Nakarating siya sa garahe at napansin ang bagong BMW na nakapark sa garahe. Nagmamadali siyang bumalik sa loob at tinanong kung kanino ang sasakyan.

"Tito, kanino po ang BMW sa labas?"

"BMW?" gulat na tanong ni Tito Tim. Nagmamadaling lumabas ang mag-asawang La Pierre. Sumunod siya sa mga ito.

"That must be Kester's."

"Kester?" kunot-noo niyang tanong sa matanda.

"You don't know Kester?" gulat na tanong ni Janice sa kanya. "He is Kevin's older brother."

Nagulat siya sa nalaman. Sa ilang buwan nilang naging magkasintahan ni Kevin noon ay wala itong nabanggit na may kapatid ito. Pati kina Tim ay wala siyang narinig kahit ni minsan na may ibang anak ang mga ito. Wala rin kasing family pictures ang mga ito sa loob ng bahay. Hindi ang mga ito ang tipo ng pamilya na mahilig sa mga pictures.

Wala siyang imik na sumunod sa mga ito nang bumalik ang mga ito sa loob. Kitang-kita niya ang kasayahan sa mukha ng mag-asawa. Sumunod pa rin siya sa mga ito hanggang sa buksan ng mga ito ang kuwarto na nasa tabi ng kuwarto nilang mag-ina. Nagulat siya sa nasaksihan sa loob.

Her son is sleeping very soundly. At hindi lang basta ito nakatulog. Calvin is sleeping in a stranger's arms. Nakayap sa anak niya ang lalaking nakatulog. Halos maiyak siya sa nasaksihan. May umantig sa kanyang damdamin sa tanawing nasa harapan niya. Kevin would never do that for his son.

Sinenyasan sila ni Tim na lumabas. Tahimik silang umalis sa kuwarto at bumalik sa sala.

"That is our son Kester." Sabi ni Tim na may pagmamalaki sa boses nito. Ilang sandali na lang ay ikinukuwento nito sa kanya ang buhay na pinili ng anak nito. She was totally awed from what she learned about Kester.

Mula sa kanyang nalaman ay hindi niya maiwasang ikumpara si Kevin sa kapatid nito. Mas malayong responsable si Kester kumpara kay Kevin. Isang buntong-hininga na lang ang pinakawalan niya.

*****  

Ang tunog ng cellphone niya ang gumising kay Kester mula sa malalim na pagkatulog. Marahas niyang inabot sa kanyang ulunan ang tumutunog na aparato. His gestures caused the little boy sleeping in his arms to stir. Ala-ala ng nagdaang gabi ang bumalik sa kanya pagkakita sa batang nakatulog.

He was about to open his door when the room's door beside him flung open. Iniluwa noon ang isang batang lalaki. Matagal niyang tinitigan ito at ganun din ang ginawa sa kanya ng bata. Sa tantiya niya ay nasa isang taon at mahigit ang bata. Nginitian niya ang bata na sa pagkakataong iyon ay nakangiti pa rin sa kanya.

"Hello there little buddy." He uttered softly.

Sa kanyang pagkagilalas ay nagsalita ang bata.

"Pa-pa." bigkas nito habang nakangiti.

He looked around him to check if anybody's around. Nang wala siyang makita ay itinuon muli ang pansin sa bata. Nanatili itong nakangiti at nakatingin sa kanya. He's pretty sure, siya ang tinawag ng bata. Sa kanyang pagkabigla ay bigla itong tumakbo at nagpabuhat sa kanya.

He willingly carried the boy in his arms. Tuluyan na niyang binuksan ang kanyang kuwarto at pumasok habang buhat-buhat ang bata. Maingat niya itong ibinaba sa kama niya.

"Just sit there little buddy and your big buddy's gonna tidy up."

Agad niyang hinubad ang sapatos at inilagay sa kanyang shoe rack. Binuksan niya lahat ng butones ng polo niya. He then squatted on the floor and came face to face with the child.

"What's your name little buddy?" nakangiti niyang tanong dito na umaasang sasagutin siya ng bata.

The boy just talked in his own language: baby language.  Bigla siyang nakaramdam ng pagod. Napahiga siya sa kama niya without minding the child's presence. Nabigla na lamang siya when the little boy moved closer and lied down beside him, making his shoulder a pillow. Para siyang nakaramdam ng pangungulila sa ginawa ng bata. He wrapped his other arm around him, closed his eyes and finally found home.

Napangiti si Kester nang mapadilat ang bata. Nagising na ito. He was mesmerized by the boy's green eyes as they stared at him. She smiled to the boy and said, "Good morning little buddy."

The little guy smiled to answer his greeting. Maingat siyang bumangon. Binuhat niya ang bata at lumabas sila sa kuwarto niya.

Accidental DADWhere stories live. Discover now