Chapter 36

4.7K 149 14
                                    

Panimulang pagbati: Shoutout po kay @cathydgreat06 at sa lahat po ng matiyagang naghintay ng updates. Pasensiya na po kung madalas wala akong replies o kung madalas wala akong update. Peace all!

NP: Small Bump by Ed Sheeran

"Ano 'yung naririnig kong sinasabi ni Janice, Liyah?" naghihinampong sabi ni Tim nang sa wakas ay nagkaroon silang lahat ng panahon para pag-usapan ang nararapat na pag-usapan.

Nasa library sila ng bahay ng mga La Pierre. Magkatabi sina Liyah at Kevin sa isang upuan. Kaharap nila ang mag-asawang Tim at Janice.

"Tito." mahinang sambit ni Liyah. Parang mas malala pa yata ito kaysa sa magpaalam sa pag-alis sa trabaho.

"Aalis ka na daw Liyah?" Pain crossed the old man's face. Ganoon din si Janice na sa pagkakataong iyon ay pinipigilan ang paglabas ng mga luha.

Naunang nagpaalam si Liyah kay Janice. Sinabi niya sa ginang noong isang araw na kailangan nilang mag-usap. When Janice asked her about the matter, she brought out her plans of leaving. Janice was hurt and said nothing. Ang tanging sinabi lang nito ay antayin nila si Tim para minsanan ang pag-uusap.

At ngayon nga ang pagkakataong nakumpleto sila. Minus Kester who has not gone home yet for days.

"Opo Tito." sambit ni Liyah. Sa pagkakataong iyon ay bigla siyang nanghina.

"Bakit hija?" Tim continued. "May nagawa ba kami? Hindi mo na ba kami gustong makasama?"

"T-tito." she uttered softly. "Wala po kayong ginawa. You did nothing wrong. This is my decision alone."

"Then why do you need to leave?" sabi ni Janice who has finally found some words to say.

"I am so sorry po." Iyon lang ang nagawa niyang sabihin. Parang hindi niya kayang ipagtapat dito ang katauhan ni Calvin.

"What about Calvin?" si Tim.

"I am going to bring him with me."

"Liyah please. Don't do this." Janice started to plea.

She sighed. "I am sorry po. But you also need to know the truth. It is not my intention to bring this mess into your family. Calvin is not Kevin's son."

Biglang natahimik ang silid. Maang na nakatitig sina Tim at Janice kina Liyah at Kevin.

"Liyah!" gimbal na wika ni Janice. "Don't say some things like that."

"Pero Tita, hindi po ako nagbibiro. Pasensiya na po kayo."

"Paano?" Tim whispered. "Paanong nangyari? Isa-isahin niyo."

Kevin opened an envelope and forwarded the contents to his parents. "This is a result of DNA Test. Mine did not match Calvin's."

"Why do you have this?" pagalit na sabi ni Tim. Hindi nito nakayanang tingnan ang mga dokumento.

"Papa."

"You better have a great explanation for all of these Kevin."

Magkatulong na isinalaysay nina Kevin at Liyah kung ano ang mga nangyari. Missing no detail.

Pagkatapos nilang magkuwento ay parehong hindi na makapagsalita sina Tim at Janice. These poor old people!

Tim heaved a heavy sigh. "If that's the case, hindi mo kailangang umalis Liyah."

"Tama ang Tito Tim mo." dagdag ni Janice. "You are still our daughter. At apo pa rin namin si Calvin. Hindi mo kailangang umalis dahil lang sa mga nalaman nating ito."

"T-tita." sambit niya. "Pero labis-labis na po ang mga nagawa niyo para sa amin ng anak ko. Parang unfair naman po kung mananatili pa rin kami dito."

"Stop talking nonsense Liyah." saway sa kanya ni Tim. "Kami ang magdedecide sa mga gusto naming gawin. You brought life to this home. Nagawa mong mapatino iyang si Kevin. You also changed our other son. Sa pananatili niyo ng apo ko sa poder ko ay nagkaroon ng pagkakaisa ang bahay na ito."

"Sorry." Iyon lang ang alam ni Liyah na kaya niyang masabi.

Muling natahimik ang buong kuwarto. Tim is intently looking at her. Si Janice ay sa kawalan nakatingin. Habang sila ni Kevin ay nagkakatitigan at tila nag-uusap sa kanilang mga isip kung ano ang susunod nilang gagawin.

Liyah sighed. "Huwag po kayong mag-alala. Palagi po kaming bibisita ni Calvin dito. You can freely come and visit us as well."

Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay muling nagsalita si Tim. "Hindi ka namin mapipigilan sa gusto mong mangyari Liyah. Pero huwag mong kakalimutan na anak ka pa rin namin. Kung anuman ang nangyari ay hindi iyon dahilan para mag-iba ang tingin namin sa iyo. At sana ganoon din ka rin sa amin."

Liyah can't control it. Tuluyan ng bumaha ang mga luha sa loob ng silid na iyon.

*****

Pagkaraan ng ilang araw ay nakalipat na rin kaagad sina Liyah at Calvin ng ibang matutuluyan. She was able to take a condo unit from Veneration Estates.

Sa totoo lang ay ayaw pa rin niyang umalis sa poder ni Tim La Pierre. Naramdaman kasi talaga niya ang pagmamahal ng mga magulang sa mag-asawa. She also considered them as her family.

But she really need to leave. It was to save her pride. Ayaw niyang isipin na baka sinasamantala lang niya ang kabutihan ng mga ito. Habang maaga pa ay kailangan niyang lumiban para hindi mas malala ang sakit pag mas lalo siyang magtatagal doon.

She meant every word she said. Regular pa rin siyang bibisita sa mga ito kasama ng kanyang anak.

But deep inside her, the biggest reason why she left the La Pierre is to run. To run away from her feelings na dapat ay hindi niya ini-entertain. She should have not given herself to Kester. Hindi dapat nahulog ang puso niya sa lalaki.

Sa totoo lang, kaya pa naman niyang mag-stay. Ang hindi niya lang kaya ay ang pagkakaroon nila ng malisya ni Kester.

She is not sure of his feelings towards her at ayaw niya ring makita itong mahirapan sa katotohanang isa siyang dalagang ina. The last thing she wanted to do is to have Kester save her from the curse. Ayaw niyang ang lalaki ang mag-aako sa pagiging tatay kay Calvin.

Kester is a decent human being. Ayaw niyang sirain ang future ng lalaki. She does not deserve him. Hayaan niya ang lalaking makahanap ng babaeng nararapat para dito. Apparently, hindi siya ang babaeng iyon.

Mabilis na pinawi ni Liyah ang mga luhang nagsimulang maglaglagan mula sa mga mata niya.

"Mama!" Calvin said. Parang nakakaramdam ang bata sa kasalukuyan niyang nararamdaman.

Accidental DADWhere stories live. Discover now