Chapter 29

4.6K 135 5
                                    

(Hi. Pasensiya na sa mga napangakuan ko kagabi na ipopost ko 'to, nakaligtaan ko ulit. Many things had been on my mind lately. ✌️)

"Ok ka lang ba?" salubong ni Kevin kay Liyah nang makabalik siya sa table nila.

She was still flabbergasted from the things she discovered from Sarah. Gulong-gulo ang isip niya ngayon kaya siguro napansin iyon ni Kevin.

"Can we go now Kevin?" aniya sa lalaki. Hindi niya alam kung mahihiya siya o magagalit dito. "I think we need to talk but not at this place."

Biglang napatayo si Kevin na bahagyang nagulat. "What's the matter Liyah? May nangyari ba?"

Inakay siya ni Kevin paalis sa lugar na iyon. Hindi na sila nagpaalam sa mga tao sa loob. Kevin led her to his car. Nang masiguradong nakaupo siya sa passenger seat ay umikot ito at naupo sa driver seat.

Tiningnan siya ni Kevin ng mataman before he started the engine.

"Can we go somewhere else?" tanong ni Liyah without glancing at her companion. "There's a really important thing we need to discuss."

"Do you have any place in mind where you want to go?" tanong ni Kevin. "Tanging mga bars at clubs lang ang alam kung mga lugar. Forgive me for that."

"It's fine Kevin." This time, hinarap niya ang lalaki. Napansin niya ang helplessness sa mukha nito. Nahihinuha ni Liyah na alam na ng lalaki kung anong bagay ang dapat nilang pag-usapan. "Kahit saan. I don't mind if there's alcohol or something. Basta hindi maingay."

Kevin seemed to think before turning at her. "I have a place in mind. Do you like 70s and 80s music?"

She was secretly delighted. "Of course. Those are my jam."

"Ok then." ani Kevin. Maybe you can sleep for a while. Medyo malayo ang pupuntahan natin. Or you can relax a little bit. Kahit ako ay kinakabahan sa kung anong pag-uusapan natin. Parang alam ko na kung ano iyon."

Liyah did not react. So, baka totoo nga ang lahat ng sinabi ni Sarah sa kanya. Based on Kevin's reactions, alam niyang may alam si Kevin sa mga nangyayari. Right now, siya ang nahihiya sa lalaki. Bigla niyang narealize na tila tama lahat ang sinabi sa kanya ni Sarah kanina.

"Thank you Kevin." yung lang ang nagawa niyang sabihin. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano ito harapin. On the other hand, kailangan niyang maliwanagan para alam niya kung anong hakbang ang susunod niyang gawin.

Pagkaraan ng halos isang oras ay pumarada si Kevin. She looked outside at napansin niya ang nag-iisang building sa labas. It really looks decent.

"We're here." Pukaw ng lalaki sa kanyang attention. Nauna itong bumaba at inikot ang sasakyan para siya ay mapagbuksan.

"Thanks!" aniya nang makalabas siya .

"I know you are not a drinker pero ito ang ang disenteng mapagdadalhan ko sa iyo tonight. I am hoping that cafes and fine dining restaurants are open at this hour para doon na lang tayo." ani Kevin sa tonong nahihiya. "Forgive me Liyah."

"Silly." sabi ni Liyah dito. "I don't mind actually. And most of all, I asked for this, remember?"

Hindi umimik si Kevin. He just led her inside. Sumalubong sa kanila ang 'Underpressure' ng Queen. The ambiance is really cool. Liyah surely likes the place.

"This place is good." puna niya. "I like it."

"Thank God!" mahinang usal ni Kevin.

"My friend will surely like this place." komento ni Liyah bago siya paupuin ni Kevin sa cushioned seat.

Lumapit ang bar waiter at binigyan sila ng menu.

"What will you have?" magalang na tanong ni Kevin kay Liyah. "Meron silang non-alcoholic drinks dito. They have teas and coffees, puwedeng hot or cold."

She laughed. "I did not come here for tea or coffee Kevin." aniya. "I want to try their margarita."

"Are you sure?" tanong ng lalaki na medyo nagulat.

"I am. Kailangan ko ng tapang at lakas ng loob to talk to you."

"Please." usal ni Kevin.

"Don't worry." she assured him. "I came to learn these kind of drinks. Minsan, kailangan ang mga ito in dealing with clients and with our colleagues."

Walang nagawa si Kevin kundi sundin siya. "Ok. I will have what you will having."

Isang mahabang katahimikan ang naghari nang makaalis ang waiter na kumuha ng order nila. They both listened to the music.

"So, ano ang pag-uusapan natin?" si Kevin ang unang bumasag ng katahimikan.

Napayuko si Liyah. Hindi niya alam kung paano siya magsisimula. Pero kailangan niyang kausapin si Kevin habang may pagkakataon pa siya.

"Sarah talked to me a while ago."

"Damn!" mahinang usal ni Kevin kasabay ng mahina ring pagsuntok nito sa lamesa. "What did she tell you?"

"Alam kong may alam ka sa mga nangyayari Kevin." Liyah said weakly. "Please be really honest with me. I want the whole truth."

Kevin sighed and looked at her in the eyes. Saktong dumating na din ang order nila.

"Maybe, it's time for me to finally talk." Kevin started. "You deserve the truth. And I am very sorry for keeping them for myself. Hay, paano ko ba ito sisimulan?"

Kevin took his first sip from his glass. "Blame no other person but me for everything that you will hear." Hindi sumagot si Liyah. Nagpatuloy na lang ang lalaki. "The reason that I started seeing you then was because of a bet I started with my friends. The time we met nung alumni homecoming ng school natin, napansin ng mga friends ko that we are talking during the event. They challenged me to have you as my girl then. Because I am a jerk, pumayag ako. Hindi ko alam na mahirap ka palang suyuin kaya it took me three months to court you."

Hindi alam ni Liyah kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga naririnig. More pain is starting to pierce her heart. Parang mas malala pa pala ang mga nangyari noon and hearing them now is not really impressing.

Accidental DADWhere stories live. Discover now