Chapter 37

4.8K 158 14
                                    


Special shoutout as well to everybody!
In no particular order: 😁

jenejust1224 (Omg, 😘)
gbardel
febat14
october211999
d21angel
jun12wen
diana_02202009
Lillybeth5
GladysMolina5
dbjas042271
ninagarcia900
mikalarraine
carlojoanaaaaaa
jhoe0514
RowSteele
marshmallow1972
user05057664
faulkerdoza716
RoselynSalimbot
EllenDeloria
DLR0916
83530771L
OliverMenes
BlueBlackDiamond
PedzVergara
cathydgreat06 (ulit😁)

And to everybody not mentioned reading this, thank you so much! Y'all!

NP: Goodbye Town by Lady Antebellum 🎶

He still felt guilty. Pakiramdam niya ay kasalanan niya pa rin ang lahat ng nangyari. Hanggang ngayon, hindi niya alam kung paano siya makakabawi kay Liyah. Kahit palaging sinasabi sa kanya ni Liyah na ok lang dito ang lahat ay hindi niya pa rin maiwasang manghinayang at magsisi sa lahat ng kabalastugan niya noon.

Right now, pati mga magulang niya ay nadadamay. His parents did not yet recover from the shock. He feels that everything is his fault. Kung hindi siya nagloloko noon ay baka hindi umabot ang lahat sa puntong ito na pati mga magulang niya ay kailangang magdusa.

Marami na siyang pagkukulang sa mga magulang niya at ang isang bagay na gustong-gusto ng mga ito, ang magkaroon ng apo, ay naiwala pa niya sa mga ito.

Maybe he deserves everything.

"It's you."

Napalingon siya sa nagsalita. He smiled when he found her again. Palagi yatang nagkakataon na may problema siya pag nagkakasabay sila ng babaeng ito sa bar na iyon.

"It's you." pangagaya niya sa sinabi nito.

Naupo ito sa tabi niya at umorder ng margarita na paborito nito.

"May problema ka yata ulit." sabi ng babae. Hanggang ngayon hindi niya pa din alam ang pangalan nito.

"Marami." tipid niyang sagot.

"Care to share? Handa akong makinig again."

Natagpuan na lamang nu Kevin ang sarili na nagkukuwento at naglalabas ng damdamin sa estranghero. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing mag-o-open up siya dito ay gumagaan ang loob niya.

*****

Ang unit na tinutuluyan nina Liyah ay temporary lamang. Bigay iyon ni Jefferson habang wala pa siyang nahahanap na permanente nilang matitirhan. The place is too far from her work. Sa pagmamadali niyang makaalis sa mga bahay ng mga La Pierre ay mabilis siyang napapayag ni Jefferson Veneracion na tumuloy muna sa isang bakanteng unit ng Veneracion Estates.

And she needs to find for perfect settlement as soon as possible. Kaya nang makita niya ang bagong advertised na bakanteng unit ay hindi na siya nag-atubiling tumawag for site visit.

Sabado at Lingo lang ang bakante niya. She is lucky dahil mabait ang agent na natawagan niya. Willing ito na Saturday siya makapunta sa lugar to check.

Based on the address advertised, malapit lang iyon sa opisina niya. Puwede niya iyong lakarin pag nagkataon.

Hindi siya nag-aksaya ng panahon na puntahan ang lugar. Nang ibaba sila ni Calvin ng grab car na nasakyan nila ay laking gulat niya nang mapansin niyang pamilyar sa kanya ang lugar.

It was the place where Kevin brought her years ago. Nasa ground floor ang bar na pinasok nila noon. It was still very clear in her mind.

Nagmamadali siyang pumasok sa building. Nakasalubong niya sa loob ang agent na nagbebenta sa kanya ng unit. She was escorted by him to the elevator.

Nang marating nila ang floor ay mas lalo siyang nagulat nang marealize niyang pamilyar sa kanya ang lugar. She was even more shocked when she found out that the unit she is about to buy is the same as the place where she had given herself to a stranger na akala niya ay si Kevin.

Ngayon lang niya narealize na hindi pala hotel room iyon. Nang magising siya kinaumagahan nung time na iyon ay akala niya hotel ang kinaroroonan niya. Nakaalis siya noon sa lugar na iyon ang nasa isip niya. Now it came to her that it was actually a condominium unit.

Bigla siyang nanghina sa mga bagay na gumugulat sa kanya.

"W-who owns this place?" tanong niya sa ahente.

"A-actually hindi ko rin po alam Ma'am." magalang na sagot nito. "Sinalo ko lang ito sa kasama kong agent dahil may mahalaga itong pinuntahan. Nakaligtaan kong tanungin kung sino ang may-ari. Hindi ko rin po kasi alam na meron nang gustong tumingin. Pasensiya na po."

"Ganoon po ba?" she uttered. Nagsimula siyang libutin ang lugar.

"Huwag po kayong mag-alala. Ang may-ari din daw po ang makakaharap niyo pag bentahan na." dagdag ng ahente.

Nakarating siya sa nag-iisang kuwarto doon. Kung maalala niya ay ganoon pa rin ang ayos niyon. Ang pinagkaiba lang siguro ay ang mga kulay ng mga bedsheets, pillowcases at kumot. Vague sa mga ala-ala niya kung anong nagyari sa silid na iyon. She just remembered herself waking up from that same bed. Thinking of it right now sent a cold shiver down her spine. Mabilis siyang lumabas ng kuwarto.

"Alam mo ba kung matagal na ang may-ari dito?"

"Ang naalala kong sinabi ng kasama ko ay matagal na rin daw po. Ang may-ari po ang una at huling nanirahan dito."

Nahulog si Liyah sa isang malalim na pag-iisip. Could she really meet Calvin's father this time? Ang may-ari kaya ng unit na ito ang lalaking iyon. Bigla siyang natakot. Paano kong matanda na ito? Paano kung may-asawa na? Nanayo ang mga balbon niya sa isiping iyon.

Sa totoo lang, wala siyang balak na ipaalam sa lalaki na siya ang naka-one night stand nito noon. Wala siyang balak na aminin dito na nagbunga ang minsan ay pagkakamali nila. She never even planned on looking for the guy. Nacurious lang siya ngayon when yesterday started to reveal itself to her.

Nang malaman niyang ito ang same na lugar mula kahapon ay nagkaroon siya ng kuryusidad na makilala ang lalaki. Kung anong klase itong tao. At least, she owes that to herself. At para may masabi siya sa anak niya kung lumaki na ito at nagsimulang magtanong.

Natapos ang site visit na buo ang loob ni Liyah. She will be going to buy the unit.

"I will buy it." pasya niya na ikinagulat ng ahente. Masyado kasing mabilis.

"Naku. Salamat po. Pero sigurado ba kayo ma'am?"

"I am certain. So, kailan ko kaya makakausap ang may-ari?"

"Tatawagan ko po yung naunang agent for the details. Itatawag ko din po kaagad sa inyo ma'am kung kailan puwede. Ang balita ko po kasi ay masyadong busy ang may-ari."

"Sige. Maraming salamat po."

"Thank you din po ma'am." masiglang wika ng agent. "Ihahatid ko na po kayo sa baba."

Tumango si Liyah. Maraming mga bagay ang naglalaro sa isip niya nang pababa na sila lulan ng elevator. Magkahalong takot, excitement at indifference ang nararamdaman niya sa pagkakataong iyon. Gusto niyang maiyak na lang.

I am very sorry again for the super late update.

Accidental DADWhere stories live. Discover now