October 05, 2014 - 05:12 AM

1.1K 46 1
                                    

From: Aeron Ken Mendes

Subject: I'll wait for your reply, Leanne.

Date and time: October 05, 2014 - 05:12 AM


Good Morning, babe.


Aalis na nga pala kami ni Zirco maya-maya. Bago ako umalis, may mga bagay lang ako na gustong sabihin sayo.

Babe, I'm so sorry for everything. Sorry sa mga sakit na naidulot ko sayo. Sorry kung napagtataasan kita ng boses minsan. Sorry kung nagkulang ako. Sorry kung hindi kita nabibigyan ng oras nung nandyan pa lang ako. Leanne, hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na tayo. Kaya palagi akong nag se-send ng email sayo. Sorry kung mas pinili ko ang pangarap ko kesa sayo. Leanne, gusto ko lang sabihin na hindi ko pinagsisisihan ang pagpunta ko dito sa Korea, pero pinagsisisihan ko ang lahat ng pagkukulang ko sayo. Sorry kung hindi ko naiparamdam sayo kung gaano ka kaimportante sa akin at kung gaano kita kamahal. Babe, maghihintay pa rin ako sa reply mo. Mag e-email ulit ako sayo pag pwede na. I love you. I love you so much Leanne O. Villa!


Good Morning, Babe. (Jeon Jungkook Fanfiction)Where stories live. Discover now