Yours truly, Leanne

2K 75 33
                                    

From: Leanne Villa

Date and time: May 21, 2015 - 12:00 AM


Good Morning, babe.


Kung nababasa mo man ito, ibig sabihin natanggap mo yung sulat. Kung nababasa mo man ito, ibig sabihin alam mo na. Nasa Pilipinas ka pa rin ba? Maligayang pagbabalik! Kamusta flight? Ayos ba? Hindi ka ba nagka-jet lag? Ang dami ko bang tanong? Hahaha. Sorry! Yan kasi ang mga gusto kong itanong sayo pagbalik mo ulit dito sa Pilipinas kaso wala na ako dyan kaya sa sulat nalang. 

Babe, gusto ko lang sanang magpasalamat sayo at gusto ko ring humingi ng tawad. Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko. Salamat dahil ikaw ang unang taong nagturo sa akin kung paano magmahal. Salamat dahil ipinaramdam mo sa akin na mahalaga ako sayo. Sorry kung naging selfish ako. Sorry kung nakipag-break ako sayo. Nadala lang ako sa galit. Sorry kung ngayon lang ako nakapag-reply. Kakagising ko lang din kasi. Naaksidente ako, babe. Nung nalaman ko na aalis ka na, hinabol kita pero sa kasamaang palad, naaksidente pa. Kaya ang resulta, na-comatose. 

Babe, sa totoo lang nagalit ako sayo. Hindi ka nagpaalam sa akin. Hindi mo ako nilambing nung nagtampo ako sayo. Bigla bigla ka nalang umalis ng walang paalam. Pero ngayon, naiintindihan na kita. Lahat naman ng tao may pangarap kaya hindi kita masisisi kung bakit mas pinili mo ang pangarap mo. Alam mo ba? Hindi ko napigilang maluha sa mga email mo. Kahit nasa malayo ka, pinaramdam mo pa rin sa aking mahal mo ako at mahalaga ako sayo. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya habang binabasa yung mga email mo. Habang pinapakinggan ko yung "Lost Stars" na sinend mo, hindi ko na naman napigilang maluha. Namiss ko kasi ang boses mo eh. Sobra. 

Babe, I love you more than you love me. To the moon and back pa nga diba? Hahahaha. Tsaka wag kang mag-alala, miss na miss na miss na miss rin naman kita eh :) Natanggap ko rin yung mga regalo mo! Ang gaganda babe! Salamat ah? Sorry kung wala akong regalong naibigay sayo :(

Aeron, salamat dahil nagsilbi kang guro sa buhay ko. Ang dami mong itinuro sa akin at ang dami ko ring natutunan sayo. You are the best teacher ever! Congratulations nga pala dahil matutupad mo na ang pangarap mo. Gusto kong pumunta sa debut niyo pero feeling ko hindi ako makakapunta. Masyado na akong mahina. Babe, may hindi pa ako nasasabi sayo. May brain cancer ako. Sorry hindi ko nasabi sayo. Babe, gusto ko lang malaman mo na ikaw ang nagsilbing lakas ko. Bago ko tapusin itong sulat na ito, gusto ko lang sabihin na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw ang pinakamagandyang nangyare sa buhay ko. Hindi ko pinagsisisihang minahal kita. Aeron, alagaan mo ang sarili mo ah? Kumain ka sa tamang oras at wag na wag kang magpapalipas ng gutom. Ang hilig mo pa namang magpalipas ng gutom. Tsaka itigil mo na rin ang pag-inom ng soft drinks! Masama yan sa kalusugan mo! Sige, hanggang dito nalang. I love you so much babe. Always have and always will. Bawal kang malungkot at umiyak, okay? Nandyan lang ako palagi sa tabi mo. Babantayan kita palagi. I love you, I miss you.... 



Yours truly,

Leanne


🎉 Tapos mo nang basahin ang Good Morning, Babe. (Jeon Jungkook Fanfiction) 🎉
Good Morning, Babe. (Jeon Jungkook Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon