May 31, 2015 - 05:00 AM

1.3K 50 13
                                    

Author's Note: Play niyo yung song ^ para dama niyo. Hehehehe


---------


AERON'S POV


Pagkarating namin sa dorm, humiga kaagad ako. Pagod na pagod na kasi ako. Ang daming nangyare. Hindi ko pa rin matanggap. Masakit. Sobrang sakit. Feeling ko ikamamatay ko yung sakit. Namumugto na rin mata ko kakaiyak. Inaasar nga ako nina Zirco sa sobrang pula ng mata ko. Daig ko pa daw ang naka-drugs. Masisisi ba nila ako? Nasaktan ako eh. Feeling ko nga hindi ko na kayang ngumiti. Bumangon ako at binuksan yung laptop tapos nagsimulang mag type.



From: Aeron Ken Mendes

Subject: None.

Date and time: May 31, 2015 - 05:00 AM


Good Morning, babe.


Kakarating nga lang pala namin dito sa Korea. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko kaya napagdesisyonan kong mag email ulit sayo kahit alam kong hindi ako makakatanggap ng email galing sayo. Babe, bakit wala kayong sinabi sa akin? Bakit wala silang sinabi sa akin? Alam mo ba kung gaano kasakit? Ilang buwan kong hinintay ang reply mo. Ilang buwan kong tiniis ang pangungulilang naramdaman ko. 

Excited na excited pa naman akong makita ka ulit. Gusto ko sanang ayusin natin ang lahat at magsimula ulit. Babe, alam mo? Pinagsisisihan ko ng mas pinili ko ang Korea kesa sayo. Kung alam ko lang.... Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare. Ang dami ko pa namang balak gawin dyan sa Pilipinas bago ako bumalik ulit dito. Gusto kong manood tayo ng sine. Gusto kong mag mountain climbing tayo. Gusto kong mag selfie tayo non-stop kasi alam kong gusto mo yun. Gusto kong i-celebrate natin yung monthsaries, anniversary, birthday, pasko, new year, lahat, lahat ng mga okasyong hindi natin na-celebrate ng sabay. 

Pagdating ko sa Pilipinas, dumiretso agad ako sa sementeryo para bisitahin si Lola. Pagdating ko doon, bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Bakit nga ba? Napag-isipang kong maglakad lakad muna bago umuwi. Habang naglalakad, nahanap ko yung sagot sa tanong ko. Noong una hindi pa ako sigurado kung yun nga ba ang sagot. Kumuha pa ako ng eyeglasses at binasa ng maayos yung nakasulat doon. Binasa ko ng maraming beses hanggang sa hindi ko na napigilan. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at binasa ulit.














































































      R. I. P

Leanne O. Villa

Born: March 10, 1997

Died: May 22, 2015

Cause of Death: Brain Cancer


Ayaw mo na nga siguro akong makita kaya mo ako iniwan ng tuluyan. Gusto kong pumunta sa bahay niyo kaya lang natatakot akong harapin ang mga magulang mo. Alam ko kasing galit sila sa akin kasi iniwan kita. Umalis ako ng walang paalam. Babe, ang unfair mo naman. Umalis lang ako ng walang paalam, iniwan mo naman ako ng walang pasabi. Umasa pa naman akong pupunta ka sa debut ko.

Babe, nagsisisi na ako. Nagsisisi akong mas pinili ko ang pangarap ko. Kung di lang kita iniwan, kung di lang ako nagpaka-selfiesh, kung nag stay lang ako, edi sana makakasama pa kita ng matagal. Edi sana mas naiparamdam ko pa sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano ka kahalaga sa akin. Edi sana nagawa natin yung mga bagay na hindi pa natin nagagawa. Edi sana naririnig ko pa ang boses mo ngayon. Edi sana masaya ako ngayon. 

Babe, miss na miss na kita. Miss ko na ang boses mo, ang tawa mo, ang mga ngiti mo, ang kakulitan mo, ang pagkapikonin mo, miss ko na ang init ng kamay mo, ang halik mo, ang yakap mo, lahat. Ang daya mo talaga. Hindi mo ako hinayaang marinig ulit ang boses mo. Hindi mo ako hinayaang makita ka ulit. Hindi ka man lang nag reply sa mga email ko. Babe, magreply ka please? Maghihintay parin ako. Maghihintay parin ako sa reply mo. Mahal na mahal kita Leanne. Sobra pa sa sobra. 


Babe


"Uy Aeron! Hyung!!!" Rinig kong sigaw ni Zirco.

"Aeron! Ayos ka lang?? Uy!" 

"V! Jungkook!" Narinig ko ang footsteps nila.

"Ya! Jungkook! Gwenchana??"  Tanong ni Jin. I was about to say 'yes' when everything went dark.






Good Morning, Babe. (Jeon Jungkook Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon