November 07, 2014 - 02:45 AM

1K 45 0
                                    

From: Aeron Ken Mendes

Subject: Dream

Date and time: November 07, 2014 - 02:45 AM


Good Morning, babe.


Babe! Alam mo bang napanaginipan kita? Sa sobrang saya ko nagising ako. Napanaginipan ko na sa Jeju Island daw tayo. Yun yung lugar na gusto mong puntahan dito sa Korea, diba? Kahit sa panaginip lang atleast nakasama kita sa lugar na gusto mong puntahan. Alam mo ba babe, may nakainitan ako kanina sa. Trainee din. Naalala kita bigla nun kaya kumalma ako at humingi ng tawad sa kanya. Ayaw mong nakikipag-away ako diba? Kaya simula ngayon magpapakumbaba na ako. Babe, kahit sa panaginip lang ulit kita nakita, napakalaking bagay nun sakin. Tatlong buwan na ako dito pero wala pa rin akong natanggap na email galing sayo. Hindi ka ba naaawa sa akin babe? Halos araw araw kong hinihintay ang reply mo. Nga pala, pasensya na kung ngayon lang ako nakapag-email ulit. Ang daming pinagawa ang CEO eh. Pinagawa kami ng kanta, tapos nag recording pa, tapos pinagawa pa kami ng steps para sa sayaw doon sa kantang ginawa namin. Hassle nga eh pero alam kong worth it. Hanggang dito nalang muna babe. I love you!


Good Morning, Babe. (Jeon Jungkook Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon