⚠ Chapter 5

194K 2K 466
                                    

pag gising ko nasa kwarto na ako pero ibang kwarto na ito, napaupo na ako saka ko nakita ang damit ko nakatupi na agad akong naligo saka nagbihis. Lumabas na ako saka tinignan sa baba kung may tao ba pero wala, naglakad lakad ako ng napahinto ako sa mismong kwarto niya.

Sana yung pag i love you too ko sa kanya hindi niya sana narinig, aaminin ko di naman ako tanga para makipagtalik sa kanya kung hindi ko naman talaga gusto din diba? mahal ko na yata si zack, at alam kung mali yun kasi di ko pa siya tuluyang kilala saka baka para kay zack isa lang akong babaeng parausan niya.

Tinignan ko yung kwarto niya nasa loob siya natutulog, dahan dahan akong pumasok at napangiti nalang.

"monic" bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya,

"monic mahal kita" ewan pero napangiti ako, ako ba yun? monic pangalan ko diba? so ako yun? dahan dahan akong umupo sa tabi niya saka napatingin sa pictures na hawak niya. Kukunin ko na sana ng bigla siyang magising, agad siyang napabangon.

"anong ginagawa mo dito?"

"ah magpapaalam lang"

"uuwi ka na?"

"oo" yun nalang sabi ko.

"sige ingat ka" yun lang sabi niya saka tinalikuran ako. Kaya agad akong lumabas ng kwarto niyang naguguluhan at di alam kung anong ibig sabihin niya, yun lang? ganun lang? kung maka i love you siya sakin parang totoo tapos yun lang? habang pababa ako nakita ko si manang agad akong tumakbo at pinuntahan siya.

"manang?" napatingin naman siya sakin.

"oh maam?"

"pwede pong magtanong?" masayang sabi ko.

"ay opo ano po yun?"

"si zack po?"

"opo ano po ba gusto niyong malaman?"

"may girlfriend na po ba siya?" natahimik si manang saka napaupo sa dinning kaya sinundan ko siya.

"si maam monic po asawa niya" gulat na gulat ako sa sinabi niya.

"monic?"

"opo si maam monic asawa niya"

"nasan na po si monic?" hinang hinang tanong

"iniwan siya"

"iniwan?" may kinuhang envelope si manang at ibinigay sakin kaya agad ko namang kinuha at tinignan.

"annulment? " gulat na gulat kong sabi kay manang, punit na punit ito at pinag dikit dikit lang ng tape.

"ako na nag dikit niyan, gusto na kasi ni maam monic makipag annual sa kanya dahil arrange marriage lang sila at may ibang syota si maam at di alam ni sir yun, minahal niya si maam hanggang sa iniwanan siya at sumama sa lalaki sa germany, simula nun naging babaero si sir"

"nagka anak ba sila?"

"oo pero pinalaglag ni maam monic dahil mahal na mahal nito ang kasintahan at lasing daw sila nun kaya nila nagawa" gusto kung umiyak pero pinigilan ko lang.

"isa ka po sa mga babaeng dinadala ni sir dito sa bahay niya, maam hanggang maaga pa po layuan niyo si sir, alam kong di pa kayo katagalan pero 1 week lang po ang limitasyon ni sir sa babae" 1 week? ito na ang pang tatlong araw ko? saka isa sa mga babae niya?

"alam ko po" yun nalang sabi ko saka dahan dahang tumalikod at umalis.

Monic? ibang monic pala yun, nagkataon lang na kapangalan ko, iyak ako ng iyak sa kotse ko at di ko alam kung bakit sobra akong nasasaktan, humahagulhul ako, bakit ako pa? bakit ang tanga ko? bakit ako pumayag na maging isa sa mga babae niya? bakit? gusto kong mamatay nahihiya ako sa sarili ko, aalis na sana ako ng makita ko siyang tumatakbo papunta sa harap ng kotse ko. Agad kong pinunasan ang mata ko saka lumabas ng kotse.

Blind Romance (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon