⚠ 47 (Warning)

59.6K 770 6
                                    

MONIC POV

napadilat ako nang dahan dahan,  saka ko nakita ang mukha ni zack na may pag ala-ala,

"Baby are you okay? " biglang tumulo ang luha niya kaya dahan dahan kong itinaas ang kamay ko. Maabot ko lang ang mukha niya.  Nang maabot ko pinunasan ko ito,  saka naman siya pumukit at hinalikan ang kamay ko.

"Im sorry" hingi niya nang sorry pero umiling iling ako

"Kahit kailan zack di ka nagkulang sakin kaya sana wag kang mag isip nang kung ano" di siya sumagot at niyakap ako.

"Zack promise me"

"Na ano? " bulong niya sakin

"Na hindi mo sisisihin ang sarili mo dahil sa nangyari sakin" di parin siya sumagot.

"Zack please "

"Sorry, " umiiyak niyang sabi kaya niyakap ko siya.

"Tahan na please" tinignan niya naman ako at ngumiti siya.

"I love you" ngumiti ako sa kanya

"I love you too" agad niya akong hinalikan sa labi pero mabilis lang.

"Babe uwi na tayo" sabi ko sa kanya

"Kailangan ka pang obserbahan babe,  ayokong may mangyaring masama sayo" malungkot niyang sabi.

"Promise me first" tinignan niya ako

"Babe,  its my fault!  Kung di sana kita pinapunta at kung sana hinintay kita!  Edi sana walang mangyayaring ganito" sabay yuko niya.  Umupo ako nang dahan dahan at niyakap siya

"Shhh.... Tahan na sabi eh!  Walang may kasalanan sa nangyari,  trahedya yun at nangyayari to sa lahat at di lang sakin kaya please wag mo nang isipin yun ha. " tinignan ko siya saka hinalikan sa noo.

"Let's forget it okay? " di siya sumagot.

"Magagalit ako sayo pag di mo ako sasagutin" pilit naman siyang napangiti. 

"Oo na!  I promise" napangiti naman ako

"Yan naman pala eh.  I love you" tumango tango naman siya.

"I love you too" sabi niya sabay halik niya sa labi ko kaya sinabayan ko siya....

"Ahem" napatigil kami dahil sa isang boses na yun.

"Zary" ngumiti si zary samin at ibinigay kay zack ang bag pack.

"Ano to? " takang tanong ni zack sa kakambal niya

"Damit mo!  Sabi ni mommy kailangan mo daw" napangiti naman siya.

"Salamat" tumingin sakin si zack

"Magbibihis lang ako babe" sabay halik niya sa noo ko at tumayo siya saka pumasok sa banyo.

"Kumusta pakiramdam mo? " napatingin ako kay zary

"Okay lang" tumango naman siya saka umupo.  Tinignan ko siya nang maige.  Kamukha niya talaga si zack kaya nga lang may magkaiba sa kanila.  Yung shape nang mukha nila. 

"Monic? " napangiti ako dahil sa tinawag niya ako.

"May dumi ba sa mukha ko? " umiling iling ako sa kanya

"Wala" napangiti naman siya nang alanganin.

"Zary nasaan pala asawa mo? " ngumiti siya sakin

"Nasa bahay" sabi niya kaya napatango ako

"Ah nga pala monic,  may nakita sa CCTV kanina" napataas kilay ako

"Nang ano? "

"Kay zack ko nalang sasabihin baka stress ka pa" sabi niya sabay tayo.

"Pupuntahan ko muna" sabi niya kaya tumango nalang ako saka naman siya lumabas..

"Si zary babe? " ngumiti ako sa kanya

"Sa labas saka may sasabihin daw siya sayo.  Puntahan mo muna" lumapit naman siya sakin.

"Okay lang ba sayo na iwan kita? " ngumiti ako saka tumango.

"Sige na" tumango naman siya at hinalikan ako sa noo.

"Babalik agad ako" tumango ako sa kanya at lumabas na siya. 

Zack POV

nang makalabas ako sa kwarto ni monic nakita ko ang kakambal ko na kausap ang isang pulis. Kaya agad ko silang nilapitan na may pagtataka

"Zary" tawag ko sa kanya.

"Oh zack" napatingin samin ang pulis at napatingin tingin saming dalawa kaya ngumiti kami.

"Siya ang asawa nang pasyente,  kakambal lang ako" napangiti naman nang alanganin ang pulis.

"Ah kayo po pala, " ngumiti ako sa kanya

"Ano po ang nakita niyo sa CCTV? " huminga siya nang malalim. 

"Under observation na po ang lahat at hinahanap po yung babaeng nakita sa CCTV,  hali po kayo nang malaman natin kung sino yung magtangkang pumatay sa asawa niyo" napataas kilay ako. Saka sumunod nalang kami ni zary.  Nang makarating sa loob. Ipinakita samin ang video,  at nakita ko si Aliah na tatakpan sana mukha ni Monic nang may tumulak sa kanya.

"Si monic zack"

"Si rose yan" sabi ko sa kanya.

"Siya po ang tumulong sa asawa niyo sir" sabi nung pulis.

"Nahuli na ba si Aliah? " tanong ko sa pulis.

"Sa ngayun po sir may tumawag po saming Airlines na may flight po yung babaeng yun. Pero sinabihan po namin ang airlines na tahimik po ang operasyon nang mahuli siya. " napatango naman ako

"Alis muna ako" paalam ko sa kanila

"San ka pupunta? " takang tanong ni Zary

"Basta.  Ikaw muna ang bahala dito kuya" tumango naman siya.

"Mag ingat ka ha" ngumiti ako saka lumabas na.  Huminga ako nang malalim.  Siguro panahon na para magpatawad.  Pumunta ako sa information area pero nakita ko siya.  Huminga ako nang malalim

"Wag na" sabi ko sa babae sa information area at ngumiti naman siya. Sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa roof top.  Saka ko siya Nilapitan.

"Rose? " napatingin siya saking gulat na gulat. 

"Za---ck? " tumabi ako sa kanya saka tumingin sa paligid. Mga ilang minuto kaming walang kibuan.

"Salamat" ang tanging nasabi ko sa kanya

"Ha? " ngumiti ako

"Salamat sa pagligtas sa asawa ko" tinignan ko siya,  pero yumuko siya.

"Rose,  nandito ako para sabihin na nagpapasalamat ako,  kung di mo tinulak si Aliah siguro mababaliw ako ngayun,  pero dahil sayo nabuhay ang asawa ko" nagkatinginan kami nang ngumiti siya.

"Zack sorry sa lahat nang nagawa ko" ngumiti ako sa kanya

"Rose sana maintindihan mo ako,  di ko kasi makalimutan ang lahat nang ginawa mo sakin kaya sana maintindihan mo kung di ko maibigay ang kapatawaran na yun.  Pero nagpapasalamat ako sa ginawa mo,  may kunti naman akong kapatawaran dahil sa ginawa mo pero kunti lang,  yun lang rose" tumango naman siya sakin at niyakap ako

"Salamat,  kahit kunti lang yun okay na ako doon.  Atleast napatawad mo ako nang kaunti" naramdaman kong umiiyak siya dahil sa higpit niyang yumakap sakin. Niyakap ko nalang din siya ag hinagod hagod ang likuran niya.

"Tahan na" yun nalang ang sabi ko.

"Pero nagpapasalamat ako. Salamat Rose" napangiti nalang ako at pinatahan siya.

Blind Romance (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon