. . . been hurt?

1.1K 64 18
                                    


♪ I'd like to tell you
and I'd like to say
how I, I feel right now ♪

Napangiti si Justin sa pumailanlan na kanta pagpasok nila sa convenient store. Wow lang, nananadya.

"Ano bang gusto mo?"

Napalingon siya sa babaeng kasama niya. Nakatingin ito sa mga istante na pinaglalagyan ng mga junk foods.

"Piattos na lang, kahit anong flavor." He absentmindedly answered while staring at her back.

Biglang tumingin ito sa kanya at ngumiti. He got lost for a second.

"Okay! Kukuha ako ng tatlo. Iba-ibang flavor para masaya." Bulong nito sa sarili habang namimili ng flavor.

Nagkunwari siyang tumingin sa istante sa harap niya pero nakalingon pa rin siya dito. Dahil hindi ito nakatingin, malaya siyang nakatitig, sinusupil ang ngiti na pilit kumakawala sa labi niya.

Tipikal na babaeng nasa kolehiyo: malalaking eyebags, back pack at haggard ang hitsura.

Donned in a plain white t-shirt and washed out jeans matched with sneakers while her jet black hair is in a ponytail.

Plain. Boyish.

Even though, she manages to make him nervous with just the simple gesture of fixing her eyeglass.

It has been what? Months? Or a year? Simula nang malaman niyang nakukuryente siya sa tuwing magdidikit ang mga braso nila o kamay. Naiinis kapag may lalaking umaagilid sa dito. Madalas na lang niyang natatagpuan ang sarili na nakangiti habang pinagmamasdan ito sa malayo.

At ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

Mga ilang buwan din bago niya natanggap na maaaring may pagtingin siya sa kaibigan.

Nakakatakot. Pero nakakatuwa. Masyadong bago yung pakiramdam sa kanya. Masyadong magulo.

Magkaibigan sila simula ng 4th year high school. Hindi sila gano'n ka-close dahil nalipat lang naman siya sa section nito nung huling taon sa high school at napunta siya sa grupo nila.

Pero sa buong barkada, sila lang ang nakapasa sa university na pinag-applyan nilang magkakaibigan.

"Nako, mahirap yan 'tol. Sa dinami-dami, sa kanya pa. Kayo lang magkasama jan, baka lumayo yan kapag nalaman niya. Kilala naman natin si Raven."

That was what Miko said, isa sa mga barkada nila na pinakamalapit sa kanya, nang sabihin niya ang sa tingin niya ay nararamdaman niya para kay Raven. May pagka-boyish kasi ito at lumalayo agad kapag nagpapakita ng interes sa kanya ang isang lalaki. Nasaksihan niya lahat ng yun mula high school hanggang ngayon.

Raven.

Her name has the ability to linger in his mind while her face usually got stucked in it.

"Huy!" Naputol ang pag-iisip niya nang tapikin siya nito dahil sa kuryenteng nagmula sa kamay nito na dumaloy sa pisngi niya at bumalot na sa katawan niya. I'll never get used to this.

"Bakit? Tara na ba?" Tumango lang ito at nauna nang lumabas ng store.

"San ba tayo? Sa amin?" Tanong niya dito nang makahabol siya sa paglalakad. Tumango lang ulit ito.

"Akin na nga yan, sabi mo tatlong Piattos lang ah? Ba't ang dami niyan?" Tukoy niya sa plastic na yakap-yakap nito. May laman yun na tatlong malalaking Piattos at dalawa pang hindi niya makita. Tinitigan siya nito, hinigpitan ang yakap sa plastic at biglang umirap.

Natawa na lang siya at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Baka mayakap pa kita nang wala sa oras. Takteng plastic kasi yan eh.

Have You . . . ?Where stories live. Discover now