. . . been tired?

22 1 0
                                    

SHE WOKE UP that morning with sore muscles.

Her neck aches because of her pillow. Too low for her, and too sturdy too. Her back aches because of her bed, it was nowhere near soft.

But the ringing in her phone made her move. Kahit ayaw niya. Kahit mas gusto niyang mahiga na lang. Kahit mas masarap na tumitig sa bubong.

Napabuntong-hininga siya. Kitang-kita 'yong butas ng bubong. Kailangan niya pang lagyan 'yon ng vulcaseal. Ramdam din niya ang iniwang bakas ng nagdaang ulan sa higaan niya. Nanliit ang mata niya sa liwanag mula sa mga butas.

So even the roof is telling her to move.

Huminga siya ng malalim. The day had started, she should move.

Move.

Mabilis niyang inilagay lahat ng gamit sa bag. Threw her hair in a bun. Prepared a cup of coffee and pick some breads to eat on the way.

Traffic.

"Ate."

Nilunok niya muna 'yong tinapay na nginunguya at ibinigay 'yong tatlo pang natira sa plastic.

"Salamat po."

She smiled, and continued on her way.

"Ate."

Isinara niya muna ang takip ng tumbler na hawak at sinilid ito sa bag bago sinagot ang kapatid sa kabilang linya.

"O, bunso. Nasa'n ka na?"

May ingay sa kabilang linya bago sumagot ang kapatid niya. "Ate. . ."

Kumunot ang noo niya sa nginig ng boses ng kapatid. "Umiiyak ka ba?"

The question made her brother burst out crying. She stopped walking.

"Anong nangyari?"

"Ate, sorry." Bigkas ng kapatid niya sa kalagitnaan ng pagsinghot at pag-iyak.

Lumakas ang tibok ng puso niya at naramdaman niya ang pagkirot ng batok. "Bunso? Anong nangyayari? May nangyari ba kila Nanay?"

"Ate. Nakabuntis ako."

Katahimikan.

May nginig sa boses ng kapatid pero walang awa ang tatlong salitang binitawan nito.

Nakalimutan niyang mag-isip. Nakalimutan niyang tumigil siya sa paglalakad sa kalagitnaan ng daan. Nakalimutan niyang may hinahabol siyang meeting.

"Ha?" Usal niya. Na hindi nga rin siya sigurado kung boses niya ba 'yon.

Masyado kasing mababa. Masyadong tahimik na para bang takot siyang pag nilak'san ang pagkakasabi, mababasag ang kinatatayuan niya ngayon.

Wala siyang natanggap na sagot. Patuloy na hikbi lang ang narinig niya sa kabilang linya at putol-putol na sorry.

Sorry?

Bakit nagso-sorry 'to sa kanya?

"Ate," paulit-ulit na bulong ng kapatid sa gitna ng hagulgol nito. "Sorry."

Ate.

She blinked, and took a deep breath. In her nose, out her mouth. In her nose, out her mouth. She did that two more times before steeling herself.

'Yon na ang pinakamatagal na oras na pwede niyang ibigay sa sarili para iproseso ang mga bagay-bagay.

"May pasok pa ako, mag-usap tayo mamaya."

Her brother seemed to only know two words as of the moment which are ate and sorry. She chuckled to herself.

"Hindi ako galit. Hindi ka dapat mag-sorry sa 'kin." Pinaglapat niya ang dalawang labi para sa ngiting sana makarating sa kapatid niya. Sana makasama sa tono ng boses niya. "Don't do anything stupid."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Have You . . . ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon