Pangalawang Kabanata

10 1 0
                                    

               

               

               

Pangalawang Kabanata

Mahigit isang linggo na ang lumipas ngunit hanggang ngayo'y hindi pa rin nagpapakita sa 'kin si Simon. Gusto ko siyang makita't kakausapin ngunit hindi ko rin alam kung paano siya harapin.

Si Simon ang siyang una sa lahat sa akin.Wala akong pagsisisi sa nangyari sa amin dahil ginusto ko rin iyon. Ngunit ang ganitong gawi niya'y nagbibigay kirot sa aking puso.

Umabot ng dalawang linggong wala akong balita sa kanya – maging sa computer shop na karaniwan niyang pinagtatambayan ay hindi ko siya mahagilap. Kaya naman naglakas loob na akong puntahan siya sa kanyang eskuwelahan.

Hindi naman ako nabigo na makita siya. Ala-singko no'n ng hapon at saktong papalabas na siya sa trangkahan ng paaralan nang makita ko siya. Tinawag ko siya sa kanyang pangalan. Bakas noon sa mukha niya ang pagkabigla nang mapagsino ako. Napansin ko rin ang kanyang pag-aalangang lapitan ako kaya naman ako na ang nagpunta sa kinaroroonan niya.

"Joy, anong ginagawa mo rito?" gaisang-linya ang kanyang kilay na nakatingin sa akin.

"Gusto lang sana kitang makausap," panandalian akong tumigil at tinignan siya ng diretso sa kanyang mata. Nag-iwas naman siya ng paningin na siyang kinadismaya ko.

"Tungkol sa nangyari no'ng birthday ni Erwin," pagpapatuloy kong wika. Narinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga.

"Sorry sa nangyari, Joy. Nadala lang ako dahil sa epekto ng alak," Unti-unting nakaramdaman ako ng kirot sa kaliwang bahagi ng aking dibdib.

"Simon, mahal kita," walang paligoy-ligoy kong pag-aamin sa kanya. Pinanlakihan siya ng mata sa winika ko. "Hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang ay mahal kita, Simon. Kaya ko naibigay ang sarili ko sa'yo dahil sa pagmamahal ko."

Hindi ko alam kung sa'n ko nakuha ang tapang ko para sabihin lahat iyon sa kanya. Nagbabakasali kasi ako na ang mga salitang 'yon ang ang siyang mag-udyok sa kanya para sabihin sa'kin ang kanyang tunay na nadarama.

"Ikaw ba Simon? Alak lang ba ang dahilan kaya mo 'yon nagawa sa 'kin?"

"Hindi ko alam."

Maang akong napatitig sa kanya.

'Hindi ka niya mahal,Joy!' sigaw ng utak ko kasunod ang kirot sa aking puso.

"Ang alam ko lang ay gusto kita, Joy. At gustong-gusto ko iyong ginawa natin."

Ulok man kung isipin, ang salitang 'yon ang nagbigay sa'kin ng pag-asang mamahalin niya rin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya pagdating ng pahanon.

Niyakap ko siya ng mahigpit na kanyang ikinabigla, "Salamat," nakangiti kong wika habang nakatitig sa mata niyang may bahid pagtataka sa inasal ko.

"Salamat kasi gusto mo rin ako. Sapat na 'yong salitang iyon para hindi ko pagsisihan ang nangyari."

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi, "Salamat din at hindi ka galit sa 'kin. Kaya ako hindi nagpapakita sa 'yo kasi natatakot ako sa maari mong gawin sa 'kin."

Payak akong tumawa, "Ano ka ba Simon!" Ani kong sinabayan ng tapik sa kanyang balikat, "Hindi naman ako halimaw para matakot ka sa 'kin."

Napakamot na lamang siya ng batok, "Ang gandang halimaw!"

Hindi malinaw ang estado ng relasyon namin ni Simon. Gayumpaman ay umaasta kaming magkasintahan lalo na't kung kami lang dalawa ang magkasama. Maraming beses na ring may nangyari sa 'min sa kagustuhan ko rin. Mahal ko siya, gusto niya ako – sapat na iyon sa akin para ipagpatuloy ang ganitong relasyon. Masaya na ako rito.

Wala Sa Piling NiyaWhere stories live. Discover now